Jairus' POV
Hay! Ang laki kasi ng bibig mo Jairus! Sana hindi ko nalang sinabi ang nalalaman ko! Bakit ba kasi nauna pa akong magbalita sa mga pangyayaring wala naman ako sa setting?!
Mine, asan ka na ba?
Magdidilim na ngunit hindi ko parin makita si Sharlene. Para akong masisiraan ng bait sa kakahanap sa kanya. Kung sana hindi ako nagpakatanga at sinabi sa kanyang harapan na hindi siya tunay na anak ng hayop na iyon edi sana hindi ito nangyayari. Mas lalo akong kinabahan nang malamang kanina pa nakaalis si Sharlene sa bahay nila noon. Lahat na yata ng kaibigan ko natawagan ko na, mag aalas nuwebe na ng gabi nang magpasya akong umuwi.
Di pa man ako nakakahinto sa labas ng bahay, nakita ko na si Sharlene na nakatayo sa labas ng aming gate. Nang makapark na ako, agad akong lumabas ng sasakyan.
"Sharlene!" Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya, wala akong inaksaksayang segundo para makayap siya ng husto. "Saan ka ba nag punta ha? Bat' ang galing mo mag tago?"
"Sorry Jai." Umiiyak niya saad. Kumalas siya sa yakap niya sa akin at hinanap ang aking labi para sa matamis na halik. "Hindi ko na iyon uulitin pa." Pagpuputol niya.
"Sorry kasi Mine, hindi ko sinasadyang masabi iyon sa 'yo."
"Shh, wala kang dapat ipagpaumanhin, lumabas ang katotohanan sa tamang panahon."
Ngumiti siya sa akin, taliwas sa nangyari kanina, nakita ko sa mata ng aking asawa na kalmado na siya.
We made love that night, so passionate that I forgot everything that had happen. Hubot-hubad sa ilalim ng kumot, magkayakap kami ni Sharlene at pinapakiramdaman ang isa't-isa.
"Mine?" Panimula ni Shar.
"Hmm?"
"Alam mo bang dahil sa 'yo naintindihan ko si Papa at Mama?"
"Naintindihan mo si Victor?"
"Ano ka ba, simula ngayon ayaw kong tinatawag mo siyang 'Victor' lang, dapat Papa narin."
"Bakit mo naman siya naintindihan?"
"Minsan kasi pag nagmahal ka, makakalimutan mo kung sino ka, nagbabago ka, o di kaya nagiging makasarili."
"I couldn't agree more. Pero bakit dahil sa akin mas naintindihan mo sila?"
Ngumiti siya sa akin at tinignan ako sa aking mga mata, "Dahil sa 'yo ko natutunan kung paano umunawa, gumawa ng mga bagay para sa ikasasaya ng minamahal, at higit sa lahat ang magmahal ng husto."
"Mine, kung naririnig mo ang sarili mo maiintindihan mo rin kung bakit hindi ka na makakatayo bukas."
"Heh!" Sabay hampas sa akin ng mahina. Nag tawanan nalang kami, pero sa totoo lang kung hindi pa siya hihinto sa pagpapakilig sa'kin, totohanin ko talag ang sinabi ko. "Alam mo Mine, ang pangalan pala ng tunay kong ama ay Peter San Pedro."
"Teka, pano nangyari yun? Isa pa, parang pamilyar sa akin ang pangalang yan ah.."
"May nangyari sa kanila ni Mama noon, at kami ni Ate Miles ang bunga habang kasal sila ni Papa."
Kinuwento pa niya na baog si Tito Victor kaya malabong magkaanak siya at kung gaano kabait si Victor noon na hindi kapani-paniwala. Sa pagkakataong ito, hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya pala marahas si Victor sa kanila ni Sharlene at Ate Miles dahil sa nangyari sa kanila noon.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfiction"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino