Jairus' POV
"The itsy-bitsy spider climbed up the water spout, down came the rain and washed the spider out, out came the sun and dried up all the rain and the itsy-bitsy spider climbed up the spout again.."
"Oh, akala ko ba matutulog na si Charlie?"
"Di kasi nagising siya nang dumating ka." Dahan-dahan niyang kinarga ang apat na buang unico hijo namin.
"Ako na nga."
"Hay nako, di ka pa nga nakakapagbihis." Sita niya pa. Napapangiti nalang ako habang tinitignan si Sharlene na kinakarga ang anak namin.
"Ang daya, ako nga di ko siya nakita buong araw."
"Anong di nakita? Eh bago ka nga pumasok sa trabaho ginising mo pa nga si Charlie." Tinawanan ko nalamang ang kanyang rason.
Masisisi nyo bang ganito siya? Bukod sa masyado akong abala sa pag aasikaso ng kompanya, eh tatlong taon bago kami nagka-anak dahil narin ayaw ko pa magkaroon ng kahati. Nung mga panahong yun parang gusto ko pang sulitin na kami lang muna dalawa, ngayon? Mas masaya pala kung dalawa na ang minamahal mo. Oo, sa una masaya ang pag aasawa, kalaunan mararanasan mo rin ang pagod, at hirap ngunit dahil ang pundasyon ng pagsasama namin ni Sharlene ay ang pagmamahal namin sa isa't-isa kaya nalalampasan namin lahat.
"Sige na, pahalik nalang para makatulog na tayo." Lumapit si Sharlene sa akin at hinayaan akong halikan ang ulo ng anak namin.
Marahan niyang nilagay si Charlie sa kanyang kuna nang tulog na tulog na ito. Agad akong pumunta sa banyo para makapaglinis at makapagpalit na.
Maraming nangyari, lahat ay dala ng kasakiman, pagkamakasarili, at pagka babaw ng mga tao sa pananaw nila sa buhay. Lahat sa buhay ng tao ay may kwento pero di tulad ng nababasa natin sa libro hindi lahat ng tao nagbabago, minsan kailangan din nating tanggapin kung sino sila dahil lahat tayo iba-iba. Parang tinitignan mo ang isang bagay na tatsulok pero bilog pala sa mata ng iba.
Masaya akong makita si Sharlene na masaya. Yun lang naman ang hiniling ko eh, kontento na ako. May mga bagay na nangyari dati pero nakalimutan narin ng panahon. Time heals nga di ba?
Ang mas nakakagulat na pagbabago ay si Papa, he decided to give the shares of the company to Sharlene and Ate Miles, and filed an early retirement, ngayon parati nalang silang nasa bahay o di kaya pumapasyal ni Mama. Ewan ko ba! Halos hindi na nga sila mapaghiwala na dalawa eh. Patuloy parin naman namin silang binibisita ni Sharlene at Charlie. Nakakatuwang isiping nalaman kong nagbago na si Papa nang nakita ko sa sarili kong mga mata ang mala-anghel na ngiti ni Papa nang unang kinarga niya si Charlie, masaya at magaan sa pakiramdam. Si Ate Miles, piniling mabuhay ng simple sa Paris minsan din umuuwi siya sa amin o di kaya kay Kuya Marco. Si Kobi at Sophia, ikakasal narin habang si Paul naman kinasal na kay Mika nung isang araw pa. Oh di ba? Inggit-inggit lang yan! Saka Si Francis mukhang wala pang planong magpakasal kay Ella, bahala sila! Si Nash rin, pero sabi niya may denedate daw siya, kung alam ko lang sinasabi niya lang yun para di siya mapagiwanan. At si Dad, tulad ni Papa tuluyan narin siyang nag retire, masaya siya ngayon sa pagbabakasyon sa iba't-ibang lugar kasi yun ang pangarap nila ni Mom noon. Si Joaquin, nalaman kong nakatapos na ng pagaaral, hindi ko man alam kung saang lupalop siya ngayon pero sa maniwala kayo o sa hindi, masaya ako para sa kanya.
Si Sharlene? Ito nag sisenti sa bintana. Dahan-dahan ko siyang niyakap patalikod habang tahimik lang siya. Hinalikan ko ang kanyang batok kung saan siya nakikiliti.
"Matulog na tayo?" Malambing kong saad. Tumango siya at sabay kaming pumailalim sa kumot. Kung noon parati siyang nakatalikod ngayon ako naman ang ayaw niya ipatalikod mula sa kanya. Pagod na pagod man ako, pero gusto ko parin marinig ang mga paguusapan namin ni Sharlene ngayong gabi.
"Masaya ako." Usal niya.
"Bakit?" Nakaharap kami sa isa't-isa, ang mga braso ko ay nasa kanyang bewang.
"Pagod ka na? Matulog ka na." Tumango ako at pumikit. "Jai, salamat sa lahat ha? Akin ka lang, you're mine." Bulong niya. Akala niya siguro tulog na ako, hindi ko mapigilang kumurba ang aking ngiti sa labi. "Hindi ka naman pala tulog eh!"
"Wala lang, masarap kasi pakinggan ang mga sinasabi mo sa akin pag akala mo'y tulog na ako!"
"Ikaw ha!"
Kiniliti ako ni Sharlene, at kiniliti ko rin siya. Nang mapagod kami, sabay kaming natulog sa kama. Bukas hanggang sa pagtanda namin, gigising kami sa kamang ito na yakap-yakap parin ang isa't-isa.
END.
***
Thank you so much for reading You're Mine! Pasenysa na at umabot pa ng isang taon bago natapos ko 'to. Nyahaha. Thank you for Journeying with me :D <3 For the likes, longest comments, love, support, and DMs at sa hindi pag-iwan sa akin. Balot, I couldn't thank you enough. Let's love and support JaiLene even more :)
Hanggang sa muli, paalam!
With love, King <3
And Finally, You're Mine, Signing off.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfiction"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino