Sharlene’s POV
“Shar!” Rinig kong tawag sa akin ni Mika sa hallway. Hindi ko siya pinansin at nagmadaling nag lakad na lamang papunta sa susunod kong klase. Kakalabas lang ng mga estudyante sa kani-kanilang mga silid-paaralan para sa susunod nilang klase sa umaga. At heto ako, nagmamadali din at nakikipag patentero sa mga estudyanteng nasa hallway habang patuloy na umiiwas kay Mika. “Sharlene! Ano ba?! Harapin mo nga ako!” Hinablot niya ang aking braso at pilit akong hinarap sa kanya.
“Bat’ mo ba ako iniiwasan ha? Anong problema mo?! Ano bang nangyayari sayo? Nilason na ba ni Jairus ang utak mo at lumalayo ka sa amin? Kay Joaqy?!” Pagbigkas ni Mika sa pangalan ni Joaquin kaagad akong napatingin sa kanya. Parang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing iniisip ang sitwasyon namin ni Joaquin.
“Kung alam mo lang Mika..” Nangingilid na ang mga luha ko sa mata, hinawakan ko ng mahigpit ang mga hawak kong libro sa aking mga kamay.
“Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo kay Joaquin nung isang araw! It was clear! Mas pinili mo yang si Aquino over my cousin!” Galit na sabi sa akin ni Mika habang pinapandilatan ako ng mata.
“Hindi mo alam anong sinasabi mo! I’m doing this for him!”
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil napapalakas na ang boses ko. Tumulo na din ang luha ko sa aking mga mata dahil sa bigat na aking nararamdaman.
“You’re doing this for him? Ang saktan siya?! Wow!” Pumalakpak ng sarkastiko si Mika. “I can’t believe you Shar!”
“Kakausapin ko si Joaquin, yan lamang ang maaari kong gawin sa ngayon.” Tinalikuran ko na si Mika at nag simula nanamang mag lakad sa hallway. Sinabi ko iyon para tigilan na ako ni Mika pero ang totoo? Hindi ko pa alam kung paano sisimulan ang pagpapaintindi kay Joaquin sa mga nangyayari.
“Siguraduhin mo lang!” Sigaw sa akin ni Mika, patuloy pa rin akong naglalakad patungo sa susunod kong klase. Alam kong galit sa akin si Mika, saktan ko ba naman ang pinsan niya.
Pero wala akong magagawa, Jairus and Papa have talked about this already. Kung ipagpapatuloy ko pa ang saamin ni Joaquin, hindi lamang si Joaquin ang masisira at mababalik sa kulungan, pati na rin ang pamilya niya madadamay sa aming relasyon. And as much as I want Joaquin in my life, I just can’t, choosing him means choosing my wants over what is right.
Mika’s POV
“Ano? Nakausap mo ba siya?” Tanong sa akin ni Joaquin pag apak ko pa lang sa school garden. Malayo ang kanyang paningin habang nakatayo at nakasandal sa punong mahogany.
“Oo.” Sagot ko habang papalapit sa pinsan ko. Dahil sa nasabi ko, kaagad siyang napaharap sa akin.
“Anong sabi niya?” Tanong nito pero inirapan ko siya ng tingin saka tumabi sa kanya.
“Gusto ka daw niya makausap eh.”
“Talaga?! Pupuntahan ko siya!” Kaagad siyang naglakad papalayo.
“Ganyan nga! Dapat mo lang siyang ipaglaban.” Binalik niya ang kanyang tingin sa akin, hindi ko alam kung anong klaseng ekspresyon ang kanyang pinapakita pero tama naman na ipaglaban niya si Sharlene. Hindi dapat matuloy ang kasunduan sa pagitan ng pamilyang San Pedro at Aquino! “Ano pang hinihintay mo?” Inis kong saad sa pinsan ko na animoy nanglalambot ang tuhod.
“It’s not what you think Miks.” Matapos niya iyong sabihin, nagmadali siyang nag lakad papaalis ng school garden. Ako naman, naiwan dito sa ilalim ng punong mahogany. Umupo muna ako sa ilalim ng kahoy, pinikit ko ang aking mga mata at inamoy ang preskong hardin na siyang una kong napansin sa pinakaunang umpisa ng klase.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfiction"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino