Chapter 23: Wedding 2

1.6K 63 41
                                    

Jairus’ POV

Palapit ng palapit ang paglalakad ni Sharlene kasama ang ama niya sa altar. Ewan ko ba! Para bang nag slomo lahat sa kapaligiran ko. I could feel my fuckin’ sweat in my palm. Parang may kumikiliti sa aking paanan habang naka tayo lamang at pinagmamasdan si Sharlene na dumarating sa altar.

Pagkatapos ng kasal nato sa mental ang bagsak ko.

“Jai..” Napukaw ako sa aking pag iisip nang sikuhin ako ni CJ, nasaharapan ko na pala sila Sharlene at ang kanyang ama. Nginitian ako ni Tito Victor, but I didn’t smile back. Binalik ko ang aking tingin kay Sharlene na hindi man lang ako tinitignan at nasa isang banda lang ang dereksyon ng kanyang mga mata. Kinuha ng ama niya ang kanyang kamay na nakakapit sa kanya at inilahad ito sa akin. Inabot ko ito saka inalalayan siya papuntang harapan ng altar.

Nag umpisa na din ang seremonyas ng kasal. Pasimpleng sinilip ko si barumbada sa aking gilid ngunit parang wala naman ito sa kanyang sarili. Halos di nga kumukurap eh.

Alam ko, hindi ako tanga at bobo, sa loob-loob ng barumbada nato iniisip niyang sana hindi ako ang papakasalan niya kundi si Joaquin. Kung sana iniisip ng barumbadang to’ na ang swerte swerte swerte swerte niya dahil hindi tarantado ang papaksalan niya eh di sana hindi parang pinagbagsakan ng langit at lupa tong mukha niya ngayon.

Sorry to tell her but I always win.             

There goes the lighting of the candle, then the attachment of the veil and cord. And I swear, I didn’t know these people at all, except for Sharlene’s sister and her husband who had lighted those candles but technically I don’t know them either.

We said our scripted vows and exchanged our rings, and then finally the saying of I do’s.

“Do  you, Sharlene Santos San Pedro, accept Jairus Balagtas Aquino to be your lawfully wedded husband for richer or for poorer, in sickness and in health until death do you part?” The priest asked.

Then silence occupied us, tahimik na tinignan ko si barumbada na naka tulala lang.

Gusto ko nang hablutin ang mic na naka tutok sa kanya at sabihing ‘She do!’ pero bago pa mangyari yun nagsalita na si barumbada.

“I-i-“

Shit ka. Sabihin mo!

“I do.”

Nanlaki ang aking mata nang finally sinabi na niya eto.

“Do  you, Jairus Balagtas Aquino, accept Sharlene Santos San Pedro to be your lawfully wedded wife for richer or for poorer, in sickness and in health until death do you part?”

Hindi ako agad naka imik dahil sa gulat nang sinabi iyon ni Sharlene, akala ko mag iinarte siya at mag rurun-away bride. Bumalik ako sa aking ulirat nang narinig ko na ang mga bulong-bulongan ng mga tao na animo’y nag uusap dahil daw nag dadalawang isip ako.

“Of course I do!” Malakas kong siwalat.

“I now pronounce you husband and wife.” Tinignan ako ng pari sabay ngiti ng malapad. “You may kiss the bride.”

.

.

.

Yari tayo diyan.

Napa lunok ako.

“YUN OH!” Napa lingon ako sa bandang kaliwa ng madla nang may sumigaw, panira kahit kailan to si Paul. They looked at me as if challenging me if I could kiss this barbaric girl in front of me. Well, here’s the news, I can!

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon