Sharlene's POV
Nakatulala lang ako habang pilit na tinutuon ang attensyon ko sa monitor. Hindi ko inakala na ganito pala kahirap ang magtrabaho lalong-lalo na pag pinagiinitan ka ng boss mo. Kahit wala sa linya ng trabaho ko ay kanyang pinapagawa, tambak-tambak ang trabahong kanyang binibigay. Hindi ko na alam kung alin sa naka pilang utos niya ang uunahin ko dahil gusto niya lahat ora mismo. Gusto ko mang mag over time pero gusto niyang sabay kami parati umuwi. Alam ko namang ginagawa niya ito para maging abala ako at hindi ko na maisip pa si Joaquin.
"Sharlene! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may meeting pala kami ngayon ni Mr. Morales?!" Biglang bungad sa akin ni Jairus sa harapan ng aking lamesa. Nakisilip ang mga emplyeyado mula sa kanya-kanya nilang mga lamesa. Hindi ko sila ma sisi dahil nasa labas lang din at kaharap sa kanila ang aking pwesto.
"Sir, binaggit ko ho sa inyo kanina habang—-"
"Binanggit? You're suppose to remind me! Not just mention it! Damn it! Alam mo ba kung anong ginawa mo? You just did an amazing job of pulling out one of our investors!"
"P-pero baka pwede ko pa pong pakiusapan."
"Are you even using your head?! Ano 'to? Tawad sa palengke? Why can't you do your job right?!"
"I'm sorry Sir."
"You're sorry. Again. Magaling ka lang naman tumulong sa iba pero hindi mo nagagawa ang pagtulong sa kompanya!" Iyon lamang ang kanyang sinabi bago nilisan na ang lamesa ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at muling pinigilan ang luhang gusto nanamang mahulog. Hindi lang naman ito ang unang beses na pinahiya niya ako sa karamihan di ba? Bakit napaka sakit parin? Sa kada araw na lumilipas, para bang palayo na ng palayo ang presensya ni Jairus sa akin. Pagkatapos ng pagpapahiya ni Jairus hindi ko na tinitignan ang mga taong pilit sinisilip ang kumosyong ginawa ni Jairus. Pagganitong mga oras na pakiramdam kong malayo sa akin si Jairus na halos hindi ko na siya maabot, inaalala ko nalang ang bawat gabi na niyayakap niya ako patalikod dahil iyon lamang ang hindi nagbago sa kanya. Ito lang din ang pinanghahawakan ko na balang araw babalik din sa dati si Jairus.
Minsan nakakaramdam ako ng takot sa kanya pero nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata na tulad pa rin ng dati ang kanyang mga tingin sa akin. Hindi ko lang alam, hirap na hirap man ako, hindi ko siya kayang bitawan nalang.
Nangsumunod na araw, nagpa schedule ng meeting si Jairus sa isang Miss. Dela Paz na HR ng isang kompanya dahil may abirya daw sa gusaling pinapagawa nila na bahagi ng partnership ng kompanya. Galit na galit si Jairus na halos kainin na niya lahat ng mga taong nakakasalamuha sa opisina dahil sa problemang iyon, lalong-lalo na sa akin. Halos pitongpong purseynto ng galit niya ay naibuhos sa akin. Nilonok ko lahat ng pangiinsultong sinasabi niya dahil gusto kong masanay. Tinungo ko ang waiting area kung saan nandoon daw ang HR.
Nakangiting sinalubong ako ng isang babae. Hubog na hubog ang kanyang pangangatawan sa suot niyang dilaw na bistida. Litaw ang cleavage at kahit hindi man niya sinasadya para bang natural lang ang mapangakit niyang mga ngiti. Hindi ko maiwasang makadama ng insecurities habang tinitignan siya.
"Hi, I'm Emerald Dela Paz." Nakangiting bati sa niya sa akin. Inabot ko ang kanyang kamay nang makipagkamayan siya.
"I'm Sharlene—"
"You must be Mr. Aquino's secretary?" Pagpuputol niya sa akin.
"Yes, he's waiting for you in his office."
"Thanks." Naunang naglakad sa akin ang babae na parang alam niya kung saan tutungohin ang opisina ni Jairus. Pinagbuksan ko siya ng pintuan sa opisina ni Jai nakangiting pumasok si Miss Dela Paz, sinalubong naman siya ng matamis na ngiti ni Jairus. Naiwan ako sa may pintuan habang nakamasid sa pangyayari. Nakadama ako ng kaba sa aking nasaksihan. Hindi lang kaba kundi pagka inis na rin. Gusto kong mag mura sa aking isipan pero hindi ko alam kung ano, sino at paano ako magmumura.
BINABASA MO ANG
You're Mine (Jailene)
Fanfic"I always win, and I don't accept defeat, not until you came." - Jairus Aquino