Chapter 41: Damdamin

2.4K 76 68
                                    

Sharlene's POV

Alam ko. Ramdam ko, na may ibig sabihin na ang lahat ng mga tingin, titig, galaw at mga ngiti niya sa akin. Ayaw kong ipagpalagay ang napapansin ko sa unang beses pa lang, iniisip ko nga baka guni-guni ko lang ang lahat pero hindi. Tahimik lang ako kahapon nang mangabayo kami napapaisip kasi ako kung bakit iyon ginagawa ni Jairus para sa akin na makasama ako at pinapasubok sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan noon. Sa halik pa niya kagabi, nakumperma ko na. Hindi lang iyon basta halik, may pinaparating ang bawat paghinga niya. Ang pag yakap niya tuwing gabi sa akin ang mas nagpapatibay na hindi lamang sa paninindigan niyang mag-asawa kami ang rason kung bakit niya ako niyayakap ng palihim tuwing gabi. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi ako nagalit sa pag halik niyang iyon, sa yakap niya o kaya sa tibok ng puso ko. Posible kayang mahal ko na din siya? Pero hindi lamang dapat ito ang batayan ko sa pasiya na iyon, maaga pa para sabihin ito. Kamakailan lang din na nararamdaman ko ang kabang si Joaquin lang ang dating nagpaparamdam sa akin.

Si Joaquin.

 Nandyan pa siya, magkasama kami ni Jairus at kahit na ang buong attensyon ko ay nasa sa kanya walang araw na hindi ko naiisip si Joaquin.

Ang mga chinito niyang mga mata, kung kamusta na ba siya, o baka tuluyan na silang nagsama ni Andrea. Hindi ko alam ang mga ito pero nasasaktan parin ako sa tuwing iniisip ko na may iba nang laman ang puso ni Joaqy at hindi ako yun. Maaari ding nadadala lang ako sa mga pinapakita sa akin ni  Jairus kaya tumitibok ng pagkalakas-lakas ang puso ko sa mga titig niya. Hindi tama na sabihing may nararamdaman din ako para sa kanya na hindi ko pa napapatunayan sa sarili ko at wala nang puwang sa puso ko si Joaqy.

Sa buong reunion, parati kong kasama si Jairus ngunit sa huling tanghalian naming makakasama ang mga Aqunio hindi ko siya kasama sa halip ay sina Ate Joj at Jyra ang kasama ko. Hindi ko na nga nagawang makapag agahan dahil maaga akong umalis sa cottage para makapag-isip nang hindi nakikita ang maamong mukha ni Jairus pagtulog.

Pagkatapos ng tanghalian, naging abala ang lahat para ayusin ang mga gamit nila para maka uwi na, naimpake ko na ang aking mga kagamitan kani-kanina lang. Nakaupo lang ako sa isang duyan at kaharap ang dagat, wala nang masyadong tao dahil ang iba sa kanila ay nauna nang umuwi.

Naalala ko bigla ang huling pagsasama namin ni Joaquin sa beach. Masaya kami nun, na para bang wala kaming problema kahit malapit na akong ikasal kay Jairus. Kay Joaquin ko lang naramdaman kung pano maging normal na tao, maging masaya sa simpleng bagay at magkaroon ng kaibigan. Ngunit kay Jairus ko lang din nararamdaman na walang makakapanakit sa akin at ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko.

"Shar,"

Na angat ko ang aking mga tingin kay Jairus nang tawagin niya ako. Kusang bumilis ang tibok ng puso ko, at hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

"Ah, sorry, uuwi na ba tayo?" Pilit kong pagtatago ng aking nararamdamang kaba.

"Pwede bang patabi?"

Lumunok muna ako bago tumango sa hiling niya. Umupo siya sa duyan na walang pagaalangan. Ramdam ko ang pag tama  ng aming mga bewang nang makaupo na siya. Si Jairus, asawa ko siya. Wala namang masama kung mahalin ko rin siya di ba?

"Galit ka?" Rinig kong tanong niya. Umiling ako sa kanyang naging tanong. "Yung sinabi ko kagabi, totoo yun."

Hindi ako naka imik sa kanyang tinuran. Wala akong maisip na sabihin sa kanya.

"Alam mo bang ngayon lang ako nakaramdam ng ganito?" Narinig ko pa ang mahinang tawa niya na animo'y natatawa sa kanyang pinagsasabi. "Hindi ako naging bukas sa posibilidad na magkagusto sa'yo kahit na mag-asawa na tayo. Kaso lang, nangyari na eh, nalunod na ako at hindi na makaahon pa sa nararamdaman ko sayo. Kung magagalit ka, o hindi mo ulit ako kikibuin dahil sa sinabi ko ayos lang pero hindi ko na yung babawiin pa. Ito lang siguro ang bagay na hindi ko kayang maghingi ng kapatawaran, kasi kung hihingi ako ng tawad dahil minahal kita, hindi ko maipapangako na hindi ko na yun uulitin. Kasi bukas, sa makalawa, at sa susunod pang mga araw mamahalin at mamahalin parin kita, Sharlene. Shit, ang corny grabe."

You're Mine (Jailene)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon