PROLOGUE

157 5 0
                                    

Tatlo'ng kalaban agad ang sumugod sa akin kaya naman mabilis akong umikot sa ere para tamaan ang ulo nila. Napangiti ako nang sabay-sabay silang bumagsak.

Salamat sa mahiwaga kong sapatos!

May parte na gawa sa metal ang ibang bahagi nito kaya naman kung sino man ang tamaan ay mawawalan talaga ng malay.

"3 down..." mahinang sabi ko. Sunod sunod na umatake sa akin ang kalaban at hindi ko hinahayaang madaplisan ako ng patalim nila.Ilang minuto ang lumipas at halos kalahati ng kalaban ay napatumba ko na.Nagulat ako nang may bumunggo sa likod ko,humarap ako at nakitang si Luther iyon.Hawak nito ang kaliwang braso n'ya, pansin kong may kaunting dugo na tumutulo galing doon.

"Ilan na ang napatumba mo? " tanong nito sa akin.

"Labing-anim..." nakangising sabi ko.Bakas ang gulat sa mga mata nito.

"Tsk! nakatiyamba ka lang!" angal n'ya.

"Fine.Atleast wala akong galos." pang aasar ko.Kumunot ang noo nito at luminga linga sa paligid. He groaned in frustration.

"Tinakbuhan pa ako ng lalaking 'yon!" inis na sabi nito.

"Sino?" tanong ko.

"Iyong gumawa sa akin nito, humanda s'ya sakin.Kahit na leader pa s'ya,papatayin ko s'ya!" tumalikod na ito sa akin at tumakbo para hanapin ang lalaking gumawa sa kan'ya no'n.

Nagulat ako dahil nang makaalis s'ya ay ilang saglit lamang,bumungad sa akin ang lalaking hinahanap n'ya.Lumabas ito sa pinag tataguan at nakangising tumingin sa akin.

"Ikaw ang gusto kong makalaban binibini." nakikita ko kagustuhan nitong gawin para lamang masaktan ako.

"Duwag kaba? " sarkastikong sabi ko dito.Napangiti ito sa inasal ko.

"Gusto ko lang subukan kung hanggang saan aabot ang galing mo." sabi nito pagkatapos ay inilabas ang dalawang kutsilyo.Pinaglaruan pa n'ya ito gamit ang dalawa nitong kamay.

"Lapit..." mahinang sabi nito,hinahanda ang sarili para sa pagsugod ko sa kan'ya.

Lalo s'yang nagmumukang duwag!

"Ikaw ang lumapit, duwag!" agad nag iba ang ekspresyon nito at napalitan ng inis.Mabilis itong sumugod palapit sa akin.

Naghintay ako ng tiyempo para patalsikin ang kutsilyong hawak n'ya at nang pareho na kaming walang hawak na patalim ay nakita ko ang ngisi nito at pagkamangha.

"Mas'yado kang nagpapakitang gilas sa camera." sabi n'ya habang umiiling, nakangisi ngunit kita ang inis sa mga mata.

Agad kong sinulyapan ang cctv na nakatutok sa amin,ang saglit kong pagbaling sa cctv ay kinuha n'yang pagkakataon para masipa ako dahilan para mapaluhod ako.

"Alam kong napapanood tayo ngayon ni Master Dark kaya hindi ko hahayaang matalo ako ng isang babaeng 'gaya mo."

"Fuck you!" inis kong sigaw dito habang iniinda ang hapdi ng aking binti.Ngumisi lang ito at dinampot ang kaninang kutsilyong pinatalsik ko.

"Pasensya kana miss,hindi ko gustong gawin ito pero--" akmang lalapit na ito sa akin ngunit pareho kaming nagulat nang lumipad ang isang dagger at tumusok ito sa pader. Parehong natuon ang pansin namin doon at tiningnan kung saan man nanggaling iyon.Nang lingunin ko ang pinang galingan no'n ay doon ko nakita ang isang maitim na aura ng isang lalaki.

Sa oras na ito ay ramdam ko ang pagtibok ng puso ko.May nakalagay din itong itim na mask sa mukha gaya ng sa akin.Walang emosyon na makikita sa mga mata nito at nakatingin lang ito nang diretso sa amin. Napansin ko din ang biglang pagtahimik ng kaninang lalaking kalaban ko. Dahan-dahan akong tumayo dahil hanggang ngayon ay nakaluhod parin ako.

"B-boss..." tarantang sabi ng lalaking kalaban ko.

"That woman is mine,don't you dare touch her again. " malamig na sabi ng lalaking nakamask.Pamilyar ang boses nito ngunit ayaw kong isipin na s'ya iyon.

"Ano? Pero boss diba--" naputol ang sinabi nito nang magsalita ulit ang lalaki.

"Touching her is a crime." mariing sabi nito.Muka namang naguguluhan ang kaninang kalaban ko.

Dapat sinamantala ko na ang pagkakataon na ito para tapusin silang dalawa ngunit nanigas lang ako sa kinatatayuan ko at halos manindig ang balahibo ko sa paraan nang pagtingin ng lalaki.

"And the punishment is death." natulala ako sa sinabi nito.Pinagmamasdan ko lang silang dalawa at hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako.

"Boss, hindi naman kasama sa rules natin 'yan."

"Now it's included..." agad na binitiwan ng kalaban ko ang hawak nitong kutsilyo at agad na umalis habang kumakamot sa ulo.Naiwan kami ng lalaking nakamask at ngayon ay nararamdaman ko na ang ibang pakiramdam na kami nalang dalawa ang naiwan dito.

His intense eyes bore into me.

"Who are you?" malamig na tanong nito.Nakaramdam ako ng kaunting takot at sinusumpa kong ngayon ko lang naranasan ito.

Unti unti itong lumapit, nakapamulsa pa ito at diretsong nakatitig sa mga mata ko.

"I'm asking you! " tanong nito sa mataas na boses.Hindi ko ito sinagot bagkus ay naghanda ako para sa gagawing pag atake dito.At nang tuluyan na itong nakalapit ay agad n'yang nahawakan ang kamay ko para pigilan ito sa pagtama sana sa muka n'ya.Hindi ko magamit ang paa ko dahil sa ginawa ng lalaking nakalaban ko kanina.

"Bakit ba hindi n'yo nalang iharap ang tinatawag n'yong Master Dark para matapos na 'to!" galit na sigaw ko. Humalukipkip lang ito at wala parin emosyon.

"I'm already in front of you, baby." his husky voice was so familiar.The voice that always sent shiver down my spine.

Nagulat ako sa sinabi nito.
Kahit mali ay agad kong dinampot ang kutsilyo at nang tumayo na ako ay agad n'yang naipulupot ang braso n'ya sa aking leeg.Kahit marahan lang ang hawak nito ay alam kong hindi ako makakaalis sa pagkakahawak n'ya. Nakatalikod ako sa kan'ya kaya hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil ang isang kamay pa nito ay nakahawak sa kamay ko kung saan hawak ko ang kutsilyo.

"Hindi ko alam na madumi ka din palang makipag laban." muling nanindig ang balahibo ko dahil sa pagtama ng mainit n'yang hininga sa aking tenga.

"Who are you? Why did your moves was so familiar to me? " ang malamig na boses nito ay nanuot sa aking buong katawan.Agad kong nakumpirma dahil sobrang lapit namin sa isat isa.

S'ya nga ang lalaking matagal ko nang gustong makalimutan.Hindi ako pwedeng magkamali.Si Black...

S'ya ang Master Dark...

S'ya ang pinuno ng Dark society.

"Answer my fucking question!" tumaas na ang boses nito kaya napalunok ako.

"Better not to know what my name is... 'cause you're going to be crazy." pinilit kong pigilan ang kaba nang sabihin ko iyon. Agad ko itong siniko patalikod at nang bitiwan ako nito ay iniwan ko na s'ya para makaalis at mahanap si Luther.

Wala kaming mapapala dito.

Pakiramdam ko ay hindi kami makakapasok sa grupo n'ya.Ang pinakahuling paraan para makapasok ay kalabanin ang pinuno nila.

At alam kong hindi ko kayang gawin 'yon.Kahit anong lakas ko pa ay alam kong mas malakas s'ya sakin.

Taon na ang nakalipas, madami na ang nagbago.Pero sigurado akong may isang bagay na hindi nagbago.

Iyon ay ang malakas na pagtibok ng puso ko kapag nariyan s'ya.

That Crazy Girl (Tan University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon