CHAPTER 19

62 1 0
                                    

Tahimik akong nakaupo sa kama at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga pangyayari. Bukas ng umaga ang flight namin kaya naman nakahanda na ang mahahalagang gamit na dadalhin para sa pag alis.Bumalik ako sa reyalidad nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang pagpasok ni Itim at ni mama.

"Sige na, hijo wag ka nang mahiya. Magiging mag asawa na rin naman kayo kaya d'yan kana matulog." sabi ni mama habang tinutulak si Itim dito sa loob ng kwarto.

"Tita I'm fine.I can sleep on the sofa." pagtanggi ni Itim.

"May tiwala ako sayo hijo, tiyaka wala ng ibang kwarto.Maliit lang ang bahay namin kaya dito kana matulog. At nasa tamang edad na din naman si Alex---"

What!

"Ma, naman!!! " pagtutol ko.

Bakit ba parang ibinibigay na ako nito kay Itim? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis.

"Oh s'ya! Lalabas na ako. Gigisingin ko nalang kayo bukas para hindi kayo malate sa flight n'yo." sabi ni mama pagtapos ay nagmadali ng lumabas ng kwarto ko. Naiwan kami ni Itim na parehong tahimik at hindi makatingin sa isat isa. Magsasalita na sana ako ng biglang dumilim ang paligid.

"What happened? " narinig kong tanong ni Itim.Hindi ko ito makita dahil nakasarado ang bintana ng kwarto ko kaya walang liwanag na pumapasok sa kwarto galing sa buwan.

"Where are you? " tanong nito.Ilang saglit pa ay lumiwanag din.Nang makita ko ay galing iyon sa flashlight ng kan'yang cellphone.

"Can I use your bathroom?" hindi ko maiwasang mahiya dito. Hindi ako sanay ng may ibang gagamit ng banyo ko.Ibibigay sana nito ang kan'yang cellphone para may ilaw ako ngunit tinanggihan ko iyon dahil may cellphone din naman ako.Matapos nitong maligo ay naligo na din ako dahil naramdaman ko ang init.

Bakit ngayon pa nawalan ng kuryente?

Nang lumabas ako ng banyo ay nakita ko ang matalim na titig ni Itim.

"Bakit?" taka kong tanong dito.

"Bakit ganyan ang suot mo? " malamig na tanong nito.Agad kong tiningnan ang suot ko. Nakapajama ako at dahil mainit ay nakasleeveless lang ako.

"Okay naman ang suot ko a!" sabi ko dito.Umayos ito ng upo at kita ko ang pag igting ng kan'yang panga.

"Wag mo akong subukan babae..." sabi pa nito.

"Huh? "

Mahina ito napamura, tumayo s'ya at nakita ko na lalabas ito ng kwarto.

"Teka,saan ka pupunta? " takang tanong ko dito.Tumigil ito sa pagbukas ng doorknob ngunit hindi nito magawang tumingin sakin.

"I' ll sleep on the sofa." marahang sabi nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Bakit? dahil ba sa suot ko? Pangit ba? Papalitan ko nalang!" sunod sunod na sabi ko. Ayoko kasing matulog s'ya sa sofa dahil alam kong madaming lamok doon lalo na at walang kuryente.

"You should.But it's not bad.You're fvcking attractive even with just a simple clothes." seryosong sabi nito.Hindi ako nakapagsalita at nanatili akong nakatitig sa gwapo nitong muka.At hindi nagtagal ay bumaba ang tingin ko sa labi nito.Naipikit ko ang mata ko para alisin bagay na nasa isip ko.

Wag ngayon Alex! Sa susunod nalang Char!

Nang tuluyan na nitong nabuksan ang pinto ay muli ko itong pinigilan.Sinundan n'ya ng tingin ang kamay kong nakahawak sa braso n'ya.

"Uhm d-dito kana matulog." marahan itong tumango at tumitig sa mga mata ko.Halos mapakurap ako ng dahil doon.

Agad kong binitawan ang braso nito nang mapansing ang tagal ko na palang nakahawak doon.

That Crazy Girl (Tan University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon