Napabalikwas ako sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko.Agad kong sinagot ang isang unregistered number.
"Hello, is this Sunshine Dela Cruz? " rinig kong tanong ng isang malaking boses na lalaki.Sa una ay kumunot pa ang noo ko ngunit nang makabawi ay napangiwi dahil sa pangalan na ibinigay sa akin ni Luther.
Andami-daming pwedeng pangalan Sunshine pa!
Tumikhim muna ako bago sumagot sa kabilang linya.
"Uhm, yes ako nga." sagot ko dito.
"Master Dark approved the contract.Miyembro na kayo ng Dark Society, gusto n'ya kayong makita pati na rin si Mr. Sean Dela Cruz,bukas." napakunot ang noo ko.
Gano'n kabilis?
Miyembro na agad kami ng Dark Society? Hindi ko alam na magiging ganito kadali ng lahat.
"Teka, sinong Sean Dela Cruz? " takang tanong ko.
"I thought he is your husband." sabi nito.
Teka si Luther ba 'yon?
Loko- loko talaga ang lalaking 'yon, bakit pareho kami ng apelyido?
"Okay we will be there tomorrow." agad kong sagot bago patayin ang tawag.
Napabuntong hininga ako ng maisip kong unti unti na naman naglalapit ang mundo namin ni itim.Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman n'ya na si Sunshine Dela Cruz... ang babaeng nagtatago sa isang mask..
Ay si Alexandria Morales.
Seryoso akong naglalakad sa pasilyo kasama si Luther. Ngayon ang araw kung kailan kami gustong makita ni Itim.Nasa likod namin ang napakaraming men in black na magdadala sa amin patungo sa meeting place. Suot ko parin ang black mask pati na din si Luther. Dinala kami sa isang silid kung saan nan'doon ang lahat ng miyembro ng Dark Society. Tumayo silang lahat nang makita kami at wari'y kami nalang ang hinihintay.Lumipad agad ang tingin ko kay Itim na matiim ang titig sa aming dalawa ni Luther.
"So, welcome to the group Mr. and Ms. Dela Cruz." sabi ng lalaking nakalaban ko noon.Kita ko agad ang pagtaas ng kilay ni Itim sa narinig.Nakipagkamay ang ibang miyembro sa aming dalawa.
"Or should I say, welcome to Dark Society. I'm Kurt Harred the leader of the alliance of Dark Society.And I would likely to indroduce to you the 'Master of all Masters',Master Dark." katahimikan ang namayani sa buong silid. Naiyuko ko na lamang ang aking ulo dahil tanging ako nalang 'ata ang hindi nakayuko.
Ganito ang paraan ng paggalang kahit pa sa grupo namin.Sadyang lutang lang ako kaya hindi ako naging attentive sa nangyayari.Nang matapos iyon ay inayos ko ang tindig ko at halos mapakurap ako nang magtama ang paningin naming dalawa.Kahit tanging mata lang ang nakikita namin sa isat isa ay hindi ko mapigilan ang kakaibang nararamdaman ko.Pansin ang madilim na awra na bumabalot sa buong pagkatao nito.Ibang iba na s'ya ngayon.
Umupo kaming lahat sa harap ng isang napakahabang mesa.Nagsimula na ulit si Kurt magsalita. Halos lahat ng rules ay nasabi na ni Kurt at muntik na akong maubo ng marinig ko ang huling sinabi nito.
"And the most important rule... all of you, keep it on your mind. Don't ever dare to touch that girl. " gusto kong kumurap ng ilang beses ng ituro ako ni Kurt.
"Because touching her is a crime." dagdag pa nito.
"And the punishment is death." napasulyap ako kay Itim at tahimik lang itong nakatingin sa dagger habang pinaglalaruan ito. Hindi na ako nagulat nang biglang lumingon sa akin si Luther na mukhang naguguluhan sa nangyayari.
"All of the information will be given next time.Kailangan muna natin kumalap ng ibang information about sa makapangyarihang sindikato na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala. As soon as possible, kailangan natin magmadali lalo na at habang tumatagal ay nanganganib ang daan-daang buhay ng mga nawawalang bata." paliwanag ni Kurt.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
ActionAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?