Napabalikwas ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Miss Santos.Nakatulog na naman pala ako sa klase.Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa nangyari.Lalo pa ngayon at papalapit na ang kasal nila.
"Ano ba yan te,ano ba talagang nangyayari sayo?" pabulong at may pang aalalang sabi ni Mel.
"Wala 'to, bakla dahil lang siguro kulang ako sa tulog at sa paggawa ko ng mga assignments." paliwanag ko na ikinataas ng kilay nito.
"Assignment? E kanina nga halos lahat ng subject wala kang assignment!" sabi pa n'ya.Malalim akong napabuntong hininga.
Natapos ang huling subject ay natanaw ko sa labas ng room namin si Xander.
Sino kaya ang hinihintay n'ya?
Nilingon ko si Hailey at tahimik lang itong inaayos ang gamit n'ya.Hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang pag iwas n'ya.
May nangyari bang hindi ko alam?
"Uhm...Hailey? Sasabay ka ba sa paglabas ng gate?" naiilang kong tanong.Sinulyapan lang ako nito at hindi sumagot.Isinukbit nito ang bag n'ya pagkatapos ay lumabas na ng room.Nakita ko pa na pinipigilan s'ya ni Xander.
"Bitiwan mo ako..." kalmadong sabi nito.Nanatili parin na nakahawak ang kamay ni Xander sa braso ni Hailey.
"Hayaan mo naman akong makausap ka kahit ngayon lang,p-please?" pagsusumamo ni Xander.Peke naman na ngumisi si Hailey.
"Para saan pa? Para saktan mo ulit ako? Pasensya kana pero sawang sawa na ako." malamig na sabi n'ya pagkatapos ay inalis nito ang kamay ni Xander.
"Aalis na ako." dagdag pa nito at tuluyan ng tinalikuran si Xander.
"A-alex?" gulat na sabi ni Xander nang makita ako.
"Ah pasensya kana,m-may problema ba kayo ni Hailey?" tanong ko dito,umiwas ito ng tingin.
"Ah kasi,n-nasaktan ko s'ya..." malungkot na sabi nito.
"Ngayon ko lang na-realize na sobrang halaga n'ya pala para sakin at ang sakit makitang umiiwas s'ya." ramdam ko ang lungkot sa sinasabi n'ya.Nararamdaman ko din ang nararamdaman n'ya.
Nasa labas na ako ng gate ay nakita kong naghihintay na si Lyndon.
"What took you so long?" tanong nito
"Kinausap ko pa kasi si Xander." sagot ko.Tumango lang ito at pinag buksan ako ng kotse.Tahimik s'yang nagmamaneho at nakikita ko sa gilid ng mata ko na hindi s'ya mapakali.
"May problema kaba?" tanong ko dito.
"Ah..." hinihintay kong dugtungan nito ang sasabihin n'ya ngunit ang tagal nito bago magsalita.
"Mrs.Tan invited me for the wedding and even Zhia,she wanted you to be there." nag aalalang sabi n'ya.Natawa ako dahil sa itsura nito.
"Why are you laughing?" takang tanong n'ya.
"Yung itsura mo kasi parang takot na takot kang malaman ko yung sasabihin mo.Ayos lang naman sakin yon,pupunta ako.Kung gusto mo maging bridesmaid pa ako e!" natatawang sabi ko.Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa nito.
"You can't do that!"
"At bakit naman?"
"Because I know that you love him." mabilis na sagot nito na ikinawala ng ngiti sa labi ko.
Naglalakad ako sa hallway nang mapansin ko si Hailey sa isang tabi.Nilapitan ko s'ya dahil pansin kong katatapos lang nitong umiyak.
"Hailey..." mahinang sabi ko,sinulyapan ako nito at pinunasan n'ya ang natitirang luha sa kan'yang pisngi.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
БоевикAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?