Maayos ang naging kasal nina Sheera at Renz.I'm so happy for them.Si Lyndon ay hindi nakaattend sa kasal dahil sa business,gano'n din si Mel dahil sa dami ng customer kaya sobrang nagtampo ang mga kaibigan namin.Hindi rin ako nagtagal sa kasal dahil iniwan ko si Adriena sa Parlor.Ayokong magmadali,hindi dahil ayos na kami ni Itim ay sasabihin ko na ang lahat.Kailangan kong humanap ng tiyempo.Kailangan kong masiguro na hindi mapapahamak ang anak ko dahil sa mommy ni Itim.Ramdam ko ang titig ni Itim kahit nasa kabilang banda s'ya sa simbahan.Magkahiwalay ang upuan ng babae sa lalaki.Matapos ang seremonya ay hindi na ito nakatiis at agad na akong nilapitan.
"Nako! Baka kayo na ang susunod na ikakasal a!" Kantyaw ni Xander kaya napangiti na lamang ako.
"I really want to take you there..." bulong nito.Agad kong naibaling ang tingin ko sa Altar.Ngayon ko lang nalaman na nasa likod na pala s'ya.Nakapatong ang kan'yang baba sa aking balikat habang ang kan'yang kamay ay nasa aking t'yan.Bumilis ang tibok ng puso ko.Hindi ko maiwasang isipin na balang araw ako naman ang nasa harap ng altar kasama s'ya.At alam kong gustong gusto ko iyon dahil s'ya lamang ang lalaking papakasalan ko.Maayos ang naging takbo sa araw na iyon at aaminin kong naging masaya ako sa konting oras na iyon.
There's no permanent in this world.Yan ang natutunan ko sa buhay.Dapat ka ba talagang makaramdam ng lungkot pagkatapos ng saya?
Bakit hindi pwedeng puro saya nalang?
Minsan naiisip ko na andaya sa akin ng tadhana. Kaunting saya palang ang nararanasan ko at agad din babawiin sa akin.Gulong-gulo ang utak ko ng makarating ako sa bahay. Umiiyak si Mel habang tinatawagan sina Renz para humingi ng tulong. Nawawala ang anak ko samantalang si Lyndon ay isinugod sa hospital.Nalaman ko na sinubukan iligtas ni Lyndon ang anak ko sa grupo ng kalalakihan na kumuha sa anak ko.
Hindi ko magawang umiyak, natulala ako sa mga nangyayari.Minuto lang ang lumipas ay agad na dumating sina Renz. Lahat kami ay pumunta sa hospital kung nasaan si Lyndon.Sumikip ang dibdib ko dahil sa nangyari.
May tao na namang napahamak ng dahil sa akin.
Naalala ko ang sinabi ni Nicole,
Ito ba yung pagsisisihan ko? May kinalaman ba s'ya dito?
Sunod-sunod na pumatak ang luha ko.Hindi ko alam kung saan hahanapin ang anak ko. Si Lyndon na walang ginawa kun'di ang protektahan kami ay nasa panganib ang buhay ngayon.
Bakit ang sama ng tadhana?
Lalo pa akong humagulhol ng sabihin ng doctor na malaki ang posibilidad na mabulag si Lyndon dahil sa lala ng pagkabugbog sa kan'ya.Gusto kong magwala.Ang pamilyar na pagsikip ng dibdib na lalong nagpahirap sa akin.Ramdam ko ang pagyakap sa akin ng isang lalaki. Alam kong s'ya iyon pero binalewala ko lang dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"I'm sorry... " dinig kong bulong nito.
Sobrang sama ko na ba para parusahan ng ganito?
"Ang anak ko...at si Lyndon, nasa panganib sila dahil sa akin." humihikbing sabi ko. Malungkot ako nitong tinitigan at muling niyakap.
"Stop crying, It's not your fault.I'll find a way. Ililigtas ko ang anak mo." mahinang sabi nito para lang bawasan ang sakit na nararamdaman ko ngunit lalo lamang akong umiyak.
"S-si Lyndon... ang sakit malaman na may tao na namang napahamak ng dahil sa akin." umiiyak na sabi ko.
Ito ang matagal ko ng kinatatakutan na ayaw ko nang maulit pa.Ngunit eto na naman ngayon...may napahamak na naman.
"I will help you...Just please stop crying because it fucking hurts me seeing you like this." pagsusumamo nito.Hinaplos nito ang mahaba kong buhok at hinalikan ang gilid ng aking mata.Dahil sa bigat ng nararamdaman ay nakatulog ako at nagising ako sa bisig nito.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.Nang maramdaman n'yang gising na ako ay agad itong nagsalita.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
ActionAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?