Ilang sandali pa ang nakalipas ay nagyaya na si Mel umuwi dahil nga lasing na lasing na si Hailey.Magkasabay umuwi si Hailey at Xander.Hindi ko alam kung ayos na ba sila.Habang si Renz naman ang maghahatid kay Sheera.Mag isa namang uuwi si Mel dahil dala naman nito ang kan'yang kotse.
"Are you drunk? " tanong ni itim nang makapasok kami sa loob ng kotse nito.Seryoso s'yang nakatitig na animo'y sinusuri akong mabuti.Natahimik na din ito simula nang makapasok ako sa kotse n'ya.Kanina pa kasi ito hindi mapakali sa suot ko.Parang s'ya pa ang problemado sa aming dalawa.
"H-hindi ah,"
"Don't lie to me,you already forgot that I tasted your lips?" tumaas ang kilay nito ngunit seryoso parin.Agad nag init ang pisngi ko.
"Oh bakit ka pa nagtatanong?" umirap nalang ako para mawala ang kahihiyan.
"Your seatbealt." pagpapaalala nito,ngunit s'ya din naman ang nagkabit bago sinimulan paandarin ang kotse.
"Goodnight." marahang sabi nito bago ako makalabas ng kotse.Nakatitig ito sa akin habang hinihintay akong makapasok sa gate.
"G-goodnight." inangat ko ang isang kamay para kawayan s'ya.Sinulyapan ko ang pagod nitong mga mata bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Nakaupo kami sa isa sa mga benches dito sa park.Hawak ni Itim ang tali ng aso nito.Ngayon ko nalang ulit nakita ang aso n'ya simula pa noong matapos ang one month contract.
"Do you want something to eat?" tanong nito habang pinaglalaruan ng isang kamay ang mga daliri ko.Umiling ako,
"Busog pa ako.Kumain ako bago umalis ng bahay." marahan naman itong tumango at ibinaling ang tingin sa magkahawak naming kamay. Ilang minuto ang nakalipas may apat na babae ang lumapit.Nagtutulakan pa ang mga ito hanggang sa isang babae na ang naglakas loob para magsalita.Sinabi nito na nandoon s'ya noong gabing kumanta si Itim sa bar.Noon pa daw sila fan ng dating band na D' Black band kaya nang makitang nagbalik ito ay hindi nila maiwasang mamangha.Naikwento naman ni Itim sa akin na sadyang trip lang nilang magperform kagabi dahil kumpleto na sila ngayon dahil sa pagbabalik ni Liam at wala silang balak ibalik ang bandang iyon.Agad silang nagplanong umalis matapos nilang dumugin kaya wala silang magawa kundi umalis sa lugar na 'yon.Pagkatapos no'n ay nagpapicture ang mga ito.Wala pa sana silang balak umalis dahil ang dami pa nilang sinasabi ngunit agad ng nagpaalam si Itim para umalis.Hawak nito ang kamay ko nang tumigil s'ya matapos marinig ang pagtunog ng kan'yang cellphone.Kinapa n'ya ito gamit ang isang kamay at hindi parin binibitiwan ang kamay ko. Saglit itong natahimik at nakikinig lamang sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
"Do I really need to do that? " seryosong sabi nito. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng kapit nito sa kamay ko. Kaya napasulyap na ako dito.
"May problema ba? " tanong ko dito.Binigyan ako nito ng tipid na ngiti pagkatapos ay kunot noong nakinig muli sa kabilang linya.
"Fine." sabi pa nito sa kausap at pinatay na ang tawag.Gumalaw ang kan'yang panga kaya ramdam ko ang pagpipigil nito.Kinalma n'ya ang kan'yang sarili at seryoso akong tinitigan.
"Can you trust me again? " taka ko s'yang tiningnan at nakikita ko ang pag asa sa kan'yang mata.
"Sabihin mo sa akin,may problema ba? " balik na tanong ko dito.Hindi ko maiwasang kabahan.Napabuntong hininga s'ya bago magsalita.
"Bukas na ang kasal...mom said that I need to be with Zhia this day because of the wedding tomorrow. " hindi parin nito inaalis ang pagtitig n'ya at tinitimbang ang magiging reaksyon ko.
"I dont want to marry her.I cant...I will find a way to stop that. " tumango ako kaya nakahinga s'ya ng maluwag.
May tiwala ako sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
AçãoAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?