Agad akong umalis sa harap ng nakangising si Kurt.Nang mapadpad ako sa shooting range ay agad kong isinuot ang safety goggles at earmuffs at nagpakawala ng sunod sunod na bala. Wala akong pakealam kung hindi ito tatama sa bulls eye. Nagpalipat lipat ako sa ibat ibang range habang ginagawa ko 'yon.At matapos maubos ang lahat ng bala ay hinipan ko ang bunganga ng huling baril na hawak ko.
"Not bad..." may halong tuksong tinig ng sino mang nasa likod ko.Agad ko itong nilingon at nakita ang nakahalukipkip na si Itim.Wala na itong mask 'di tulad kanina.Tiningnan ko ang paligid at kahit isa ay walang nagkalat na miyembro para makita ang mukha ni Itim.
Kanina pa ba s'ya dito?
"Asan yung babae mo, umalis na?" Pinagtaasan lang ako nito ng kilay at hindi pinansin ang sinabi ko.Dahil nakatuon ang tingin nito sa mga range.Mangha nitong pinagmamasdan ang mga bulls eye na pinatamaan ko.Ngayon ko lang din napansin iyon.Kahit isa ay walang mintis.
Lahat nasapul ko!
"Jealousy can do better, huh..." ngumuso ito para pigilan ang pagsilay ng ngiti.
Jealousy? Hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako kanina kaya ko siguro napatamaan lahat ng bulls eye!
Kapal din n'ya e
"Girlfriend mo?O asawa? Ang sama mo naman,pinaalis mo agad.Akala ko pa naman mag de-date pa kayo.Sayang effort n'ya sa pagpunta rito." kumunot ang noo nito.
"What are you talking about?"
"Sus, kunwari ka pa! Alam ko naman ang tungkol sa mga babae mo, sinabi sakin ni Kurt." muntik ko nang takpan ang bibig ko dahil sa pagsusumbong kay Kurt.Baka mamaya matanggal s'ya sa grupo.
"Pero hindi na n'ya kailangan sabihin 'yon dahil alam ko naman." lalo pang kumunot ang noo nito.
"Wala akong babae." marahang sabi nito.
Wow! Bakit ba s'ya nagsisinungaling?
Tahimik akong nagmamasid sa isang tabi.Tumawag ang pinuno ng 'Monster' sa England. May panibago na naman kaming misyon.Iyon ay ang bawiin ang milyong pera na inangkin ni Mr.Montevilla.Matapos nitong bumaba sa pwesto bilang vise presidente.Napakaraming Pilipino ang naghihirap dahil lang sa Corruption. Matiyaga kong minamasdan ang bawat kilos nito. Andito s'ya sa mamahaling restaurant kasama ang napakadaming bodyguard. Matapos nitong makipagkamay sa alam kong mataas din ang estado sa lipunan ay agad kong tinawagan si Luther.
"Ayos na ba? " tanong ko dito
"Yup! Hindi na makakaandar ang sasakyan ng bodyguard n'ya. At yung driver n'ya, nadispatiya ko na.Gusto mong itanong kung paano ko ginawa 'yon? " halata sa boses nito ang pagkatuwa at paghanga sa sarili.
"Hindi ko gustong malaman." bagot kong sabi
"Tsk! Kailan ka kaya bibilib sa akin?"
"Maghanda kana paalis na s'ya." putol ko sa pagdadrama nito. Nakita kong tumayo na mula sa pagkakaupo si Mr.Montevilla.Malawak ang ngiti nito habang naglalakad palayo. Agad akong sumunod nang tahimik. At nang makalabas na kami ng restaurant ay nakita kong nakasakay na si Luther sa kotse ni Mr.Montevilla.S'ya ang pumalit bilang driver. Alam kong hindi ito mahahalata agad dahil bago pa man malaman ay napaandar na ni Luther ng mabilis ang sasakyan.Nang makasakay na si Mr. Montevilla sa backseat ay agad ng umandar ang sasakyan, ako naman ay sumakay na sa motor na ipinahiram ni Luther.
Ang saya nito!
Konting ipon nalang at makakabili din ako nito.Napangisi ako nang makitang nagkakagulo ang bodyguard ni Mr.Montevilla. Lumabas ang mga ito sa kan'ya kan'yang kotse dahil hindi ito mapaandar.Dahil alam kong nailayo na ni Luther si Mr. Montevilla ay agad ko nang pinaharurot palayo ang motor na gamit ko.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
AcciónAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?