CHAPTER 12

47 1 0
                                    


"Iniiwasan kana din ni fafa Black?" gulat na tanong ni Mel.

"Oo," mahinang sabi ko.Hindi parin maalis sa isip ko ang pagligtas nito sa akin kanina.Kamusta na kaya s'ya? Ayos lang kaya s'ya kahit wala ako?

Wow Alex! Tingin mo ba hindi s'ya mabubuhay na wala ka? Nababaliw kana!

"E anong problema 'don? diba 'yon naman ang gusto mo?" taas kilay nitong tanong.Natigilan ako.

"O-oo nga, masaya lang ako dahil hindi na ako mahihirapan umiwas pa." napangiwi ako ng malakas ako nitong batukan.

"Aray ko naman b*kla!" nakangusong angal ko

"Gusto mo s'ya!" singhal nito na parang siguradong sigurado s'ya.

"H-huh?"

"Bruha!"gusto mo s'ya hindi mo lang maamin sa sarili mo!" umirap ito at akmang babatukan na naman ako.Kay agad akong lumayo sa kan'ya.

"H-hindi no!hindi pwede,magmumuka akong kontrabida sa madaming tao kapag nagustuhan ko ang lalaking yon." sinamaan ko s'ya ng tingin nang batukan na naman ako nito.

"Yun na nga e!! Pinipigilan mo ang sarili mong gustuhin s'ya dahil iniisip mo ang iisipin sayo ng madaming tao.Kaya hindi mo maamin sa sarili mo na gusto mo s'ya."

"Hindi pwede." mahinang sabi ko.

"Minsan kasi pairalin mo rin ang puso mo kaysa sa isip.At tsaka wala ka naman isip te kaya nevermind nalang!" napanguso ako.Nauna nang bumalik si Mel sa next subject.Kaya dumiretso ako ng cr,kanina pa ako naiihi hindi ko lang magawa dahil sa mga sinasabi ng b*klang si Mel.Nang lalabas na ako ay narinig ko ang nagsisigawan malapit sa labas ng cr.Nakita ko ang nakahandusay na lalaki at nag init ang ulo ko nang halos patayin na ito sa suntok ni Itim.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" napadaing ito at napangiwi sa malakas na pagsuntok ulit ni Itim.

"Really?Who's the person behind this?" galit na tanong ni itim.Madilim ang mga mata nito na parang gusto nang pumatay ng tao.

"At ano bang pakealam mo sa gagawin ko ha! Hindi mo naman girlfriend ang babae na 'yon! O baka naman gusto mo s'ya!" kahit nanghihina ay nagawa pa nitong ngumisi.Kumuyom ang kamao ni Itim at sinuntok na naman ang lalaki.

"So, what if I like her? don't you dare touch her if you don't want to die early!" halos hindi na ito makagalaw dahil sa dami ng naisuntok ni Itim.Lumapit na ako sa kan'ya dahil baka mapatay na n'ya ang nakahandusay na lalaki.Hinila ko ito papalayo sa lalaki at masama s'yang tiningnan.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!" sigaw ko dito.Hindi parin nagbabago ang galit na ekspresyon sa mukha n'ya.Pero nang magtama ang tingin namin ay namungay ang mga mata n'ya.

"At kailangan bang palagi mong gawing biro ang pagsasabi na gusto mo ako!" lalong sumiklab ang galit ko ng maalala ko na naman ang pag amin nito.

"He keep on following you." naipikit ko ang mga mata ko nang makita ang pagmamakaawa sa mga mata nito.

"E ano naman kung ganon? Diba ikaw na din ang nagsabi na wag agad manghuhusga kung hindi mo pa naman alam ang totoo." galit na sabi ko dito.

"Halos patayin mo na s'ya! nababaliw kana!Ang sama mo!" dagdag ko pa.Napaawang ang bibig nito sa sinabi ko.

"You don't know everything.And what I said earlier was true.I like you,that's not a joke but I know you don't feel the same.I respect your feelings.But please..please always take care of yourself.I didn't know what I'm going to do if there something happened to you." dinilaan n'ya ang ibabang labi at mariing pumikit.Tumingala s'ya na parang pinipigilan ang pagtulo ng luha.Hindi na n'ya ako hinintay na magsalita pa.Huminga ako ng malalim at pinanood ang paglalakad nito palayo.Ngayon ko lang naranasan ang mawalan ng gana sa buhay.Pakiramdam ko pasan ko ang buong mundo.Tama si Mel gusto ko s'ya o siguro nga mas higit pa don.Matagal ko nang nararamdaman pero hindi ko lang maamin sa sarili ko.Ngayon ko lang na-realize na napakababaw ng nararamdaman ko kay Lyndon kumpara kay Itim.Ibang iba ang pagtibok ng puso ko pag malapit s'ya sa akin,minsan halos hindi na ako makahinga.Sobrang nasasaktan ako kapag nakikita ko ang sakit sa mga mata n'ya.Mas gugustuhin ko nalang pumikit dahil hindi ko kayang makita s'yang ganon.

That Crazy Girl (Tan University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon