HAILEY POINT OF VIEW
Matagal ko nang gusto si Xander since we were young.Hindi ko alam kung ano ba talagang nagustuhan ko sa kan'ya.Bata palang kami ay palagi ko na s'yang binubuntutan.Pinagtatanggol ko s'ya sa mga nambubully sa kan'ya dahil noon pa man ay lalampa lampa na s'ya.Akala ko ay magugustuhan na ako nito sa mga paraang ginagawa ko.Pero lalo lang itong naiinis kapag nasa paligid ako.Ilang beses ko nang inaamin nang pabiro ang nararamdaman ko sa kan'ya pero binabalewala lang n'ya ito.Umaasa ako na mapapansin nito ang nararamdaman ko pero hindi.Matagal akong naghihintay sa labas ng room n'ya, dala ko ang cookies na ni-bake ko kanina.Wala kaming klase sa last subject kaya minabuti ko'ng maghintay nalang nang matagal dito.Ilang oras ang nakalipas ay lumabas na ang prof nila.Lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko na si Xander.
"This is it! kaya mo 'to Hailey!" sabi ko sa sarili bago lapitan si Xander.
"X-xandy ko!" tawag ko dito and as usual,ang iritang mukha nanaman nito ang bumungad sa akin.
"Ano na naman ba 'yon monkey?"
"Dude, mauna na kami!" sabi ng mga kasama nito.
"Sige, sunod nalang ako mamaya!" tinapik nito ang balikat ng mga kasama n'ya at bumaling na ito sa akin.
"M-may sasabihin lang sana ako..." kinakabahan kong sabi.
"Ano 'yon?" nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko kaya naman hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa sasabihin ko.
"A-alam ko ilang beses mo na tong narinig at ilang beses mo na rin itong binabalewala dahil akala mo biro lang ang lahat pero ngayon, seryoso na ako.Kahit noon pa seryoso na talaga ako pero ginagawa ko lang biro dahil alam kong masasaktan lang ako kasi alam kong tatawanan mo lang ako.Noon pa man g-gusto na kita, Xander kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan at masakit pa na kapag nakikita mo ako ay naiirita ka.Binabalewala ko nalang kahit ang sakit sakit.Mahal kasi kita...mahal na mahal, sana ngayon maniwala kana...Sana naman seryosohin mo.S-sana seryosohin mo naman ang nararamdaman ko!" kinakabahan ako lalo na sa magiging reaksyon n'ya.At gaya nga ng inaasahan ay kumunot lang ang noo nito.
"Ano na naman ba 'to Hailey? Tsk, kahit kailan talaga trip mo ako e!" sabi n'ya pa.Nilagpasan ako nito at balak na sanang umalis.Nanikip ang dibdib ko,
Sabi na e.Sabi ko na nga ba.
Nang magsalita ulit ako ay napatigil sya."S-seryoso ako Xander! Kahit
kailan ba hindi pumasok sa isip mo na seryosohin ako? Siguro nga palagi akong makulit,palabiro o kahit ano pa man.Pero Xander kahit kailan hindi naging biro ang pagmamahal ko sayo!kahit paulit ulit mo pa akong itaboy ayos lang sakin.Kahit ansakit sakit na!" humihikbi kong sabi"Ang sakit sakit na!! Sinusubukan kong balewalain lang ang nararamdaman ko pero wala e, mahal kita.Mahal na mahal!" naguguluhang itong tumingin sa akin.
"Alam mo naman 'diba?sinabi ko sayo na may iba akong gusto." dito na tuluyang nabasag ang puso ko.Nakagat ko na ang ibabang labi ko.
"S-sino?" humihikbing tanong ko.
"Hindi mo na kailangan malaman dahil katulad mo hindi n'ya din ako magagawang gustuhin." iniwan ako nitong umiiyak.Natauhan ako sa sinabi nya.
kahit kaian ba talaga hindi n'ya ako magagawang gustuhin?
Nang makauwi ako sa bahay ay narinig ko ang pagring ng phone ko.
Si Mel...
Pinunasan ko ang luha sa mata ko bago ko ito sagutin.
"Hello bakla!" sinubukan kong maging masigla para hindi malaman ni Mel na umiyak ako.
"Te,si Xander..."
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
AcciónAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?