CHAPTER 28

87 3 0
                                    

"Kurt, nasaan si Itim? " sandaling kumunot ang noo nito pero mabilis din itinuro ang direksyon kung nasaan si itim.

"Bilisan mo,may nakatanim na bomba...wala na tayong oras." kinakabahan kong sabi kay Kurt. Natigilan ito at mabilis ko ng iniwan para hanapin si Itim. Muntik ko nang mabunggo ito dahil sa pagmamadali ko.

"What happened? Did you find our daughter? I'm finding her anywhere but I didn't saw her! " agad umagos ang luha ko.

"Nasa panganib ang anak natin... " nangininig kong sabi.

"What? Where is she? " tarantang tanong nito.

"Puntahan na natin s'ya..." Umiiyak na sabi ko. Akmang hihilahin ko na ito ng marinig ko ang isang tinig ng lalaki.

"Long time no see,Mr. Black Tan... " sabay kaming tumingin sa pintuan ng makita ang isang lalaki na alam kong kaedaran din namin. Nakakikilabot itong nakatingin sa akin. Ako naman ay pilit kinikilala kung sino s'ya.Medyo matured na ang muka nito kumpara sa amin.

"I don't have a time for you." lalagpasan na sana namin ito ng hugutin nito ang baril na ikinatigil ko.

"Hindi mo ba ako nakikilala? " natatawang sabi nito.

"I don't care who the fuck are you! " hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lalaki nang bulyawan ito ni Itim.

"Tsk...nakakatuwa na sa wakas ay nagkita na rin tayo. Noon ay ako ang gumagawa ng paraan para magkaharap tayo. At nakakatuwang ikaw na mismo ang lumalapit sa akin para kunin ang anak mo." tumawa ito ng malakas kaya hindi ko magawang huminga ng maayos.

"You, bullshit! Where the hell is my daughter? " nanlisik ang mga mata nito at naikuyom ang kamao.

"Sino ka ba? Bakit ginagawa mo ito sa amin! Bakit kailangan mo pang idamay ang anak ko! " umiiyak kong sabi.Nginisian lang ako nito.

"Hindi n'yo ako nakikilala? Sino ba naman ako para kilalanin noon? Pinatay ang kapatid ko.Namatay ang pinakamamahal kong babae at sa tingin n'yo ay sapat na sa akin at sa pamilya ko na pera lang ang ipapalit sa buhay n'ya? " naguguluhan akong tumingin dito.

Ano bang sinasabi n'ya?

"Pinatay mo ang kapatid ko, hindi ako magdadalawang isip na gawin 'yon sa anak mo! Ang babaeng matagal ko ng mahal ay nagpakamatay dahil sayo! Ikaw na lintik ka,ang dahilan no'n.Ang anak n'yo ang kabayaran sa lahat ng ginawa mo."

"What a stupid thing.I didn't killed him. I only want to punished him because he tried to raped Alex. And that is not me, I know that you knew the reputation of your brother. Someone killed him because he tried to do the same thing as he did to Alex.And I don't know what are you talking about the girl you love." Paliwanag ni Itim. Agad kong naalala si Harold, s'ya iyong lalaking nakalaban ko noon dahil binugbog nila si Xander noon. Alam nilang hindi nila kayang kalabanin si Itim kaya si Xander ang sinubukan nilang gantihan dahil gusto daw nitong iganti ang miyembro n'ya. Hindi ko matandaan, ang alam ko ay lima silang sinubukan akong pagsamantalahan pero hindi ko alam kung sino ang namatay sa kanila.

"Sinungaling! Tinatakpan mo ng pera ang mga kasalanan mo. Sa tingin mo ba ay mapapalitan mo ng pera ang buhay n'ya? " galit na sabi nito.

"Fuck! I was trying to help! " galit na sabi ni Itim.

"Hindi mo na ako madadala sa pera mo. Kayang kaya na kitang tapatan ngayon dahil ako ang pinuno dito." malamig na sabi nito.

"Come on, try to save your daughter, you have only 10 minutes left." sumilay ang isang nakakakilabot na ngisi nito.Agad akong hinawakan sa kamay ni Itim at hinila palabas.

"Maiiligtas n'yo s'ya kung makukuha n'yo ito sa akin." pinaikot nito sa kamay ang susi. Binalewala iyon ni Itim dahil alam kong mabubuksan n'ya ang lock no'n gamit lang ang baril.Hindi pa kami nakakailang hakbang ay narinig ko ang isang putok ng baril na nakapagpatigil sa akin.

That Crazy Girl (Tan University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon