Mag isa akong naglalakad patungo sa bagong school na papasukan ko.Ginagala ko ang mata ko sa malawak na paligid ng unibersidad.
Sana naman ay maging maayos ang unang araw ko dito.Isa ito sa pinakasikat na paaralan sa aming lugar at nasisiguro kong halos karamihan ay mayayaman ang nag aaral dito.Maingat kong inangat ang kapeng binili ko sa labas ng school para hipan ito ngunit bago ko pa magawa iyon ay nabunggo na ako ng tumatakbong babae.Nagkatinginan kami nito at sabay naming sinulyapan kung sino man ang natapunan ng kapeng hawak ko.Isang matangkad na lalaki at medyo magulo ang kanyang bagsak na buhok.Kitang kita ko ang pag igting ng panga nito dahil sa galit nang makitang halos lahat ng kape ay natapon sa kanyang puting t-shirt."Uhm...hindi ko kasalanan 'yan!" agap ko.Agad namang napasinghap ang babaeng kaharap ko.
"At kaninong kasalanan yon?" pagtitimpi nito.Nagkibit balikat lang ako at lalagpasan na sana sila para hanapin kung saan ang aking room ngunit agad akong napabalik sa kitatatayuan ko nang hilahin ako ng lalaki.
"Aray, ano ba?!"
"Wag mo akong takasan, spoiled kid,"
Ano?! Sinulyapan ko ang babaeng nakabunggo sa akin at tulad kanina ay tahimik ito sa isang tabi habang nanginginig sa takot.
"Anong spoiled kid?!
---
"Bakit mo ba ako hinila hindi pa ako tapos sa kanya." hinihingal naman syang nagsalita.
"Bakit ba pinalaki mo pa ang gulong 'yon?Hindi mo ba sya kilala?" halos maiyak na sya at hindi mapakali.Matapos kasing sabihin ng lalaki kanina na spoiled kid ako ay nagsimula na kaming mag sigawan.Muntik ko na din 'syang masapak sa muka dahil sa inis ko.Pati ang babaeng nakabunggo sa akin ay nadamay,pareho kaming ipapatanggal sa school na ito.
"Makikipagbati na ako para sayo, huwag ka nang umiyak."
"Ano! hindi naman ganun kadali yon e. Hindi naman sila bata para pumayag ng ganun kadali. Tsaka kilala ko sila, isa sila sa pinakamayaman dito sa Tan University lalo na si Black."
"Sinong Black?" tanong ko
"Yung lalaki kanina at sobra yung ginawa mo sa kanya hindi ko alam kung anong pwede nyang gawin sayo." tumaas ang kilay ko
Bakit? Makikipagsuntukan sya sakin?
Napangisi ako.That is so easy!
At dahil sa pamimilit ko sa kanya, napapayag ko na sya na tulungan ako.Friends na kami, wala daw kasi syang kaibigan.Nalaman ko rin na si Black ang anak ng may ari ng unibersidad na ito may tatlo syang kaibigan na kilalang kilala din dahil sa karangyaan at sa di maikakailang mga itchura.
Wow! F4 lang ? Baduy naman.
"Sigurado kaba talaga?" tanong ni Sheera yung babaeng tinulungan ko kanina.Andito kami sa labas ng headquarters nila.
"Sige iwan mo na ako dito kaya ko na to." nginitian ko sya at dali dali naman syang umalis,
ganun ba talga sya katakot sa black na yun?
Nakailang katok ako bago bumukas ang pinto.Isang bagong gising na lalaki ang bumungad sakin.
tss! nasa school pero natutulog lang.Eto ba ang pinagmamalaki sakin ni Sheera? Ang kaninang kunot noo nito ay napalitan ng ngisi.
Sino ba sya?
"So it's you? The girl in the video?" humalakhak ito ng wagas.
Luh problema nito? andito kaya ako sa harap nya wala ako sa video.Hays hindi naman sinabi ni Sheera na mahina din pala utak ng mga kaibigan ni Itim.
"My name is..." bago pa sya makapagpakilala may sumingit na isa pang lalaki sa pintuan.
"Woah hi I'm Xander!You can call me--" binatukan agad sya nung lalaki na nakausap ko kanina.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
БоевикAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?