Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito bago ito tuluyang makatulog. Nang magising ako ay ang maamong mukha agad nito ang bumungad sa akin. Nanatili itong nakayakap habang hindi inaalis ang titig n'ya.
"Bakit parang pagod 'yang mga mata mo? mukhang hindi ka nakatulog." the side of his lips rose.
"Is it wrong to stare at your face in the wholenight?" antok na sabi nito.
"Seryoso? " napaahon ako sa kama.He chuckled sexily.
Hindi ako agad naka recover.Ngayon na magaganap ang labanan at hinayaan n'ya lang ang sarili n'yang hindi matulog?
"Niloloko mo ba ako? " irita kong sabi.
"I'm just telling the truth, baby..." natatawang sabi n'ya.Napailing ako,
"Come on, let's take a bath." nanlaki ang mata sa sinabi nito.
"Tayong dalawa? " gulat kong tanong dahilan ng pagtaas ng kilay n'ya.
"Why not? " napaawang ang labi ko at hinampas s'ya sa braso.Malakas itong humalakhak.
"Fuck you!" bulyaw ko dito
"I love you too... " pahabol na sigaw nito bago pumasok ng ban'yo.
Matagal kong hinintay si Itim sa labas ng office ni Doc Sison, mag uusap daw sila saglit...pero bakit parang napakatagal naman?
Agad akong tumayo sa upuan ng makita kong sabay silang lumabas ng office. Tinapik ni Doc Sison ang likod ni Itim.
"But still take care, Black... " sabi ng matanda.Tipid na tumango si itim dito.
"I will...Doc Sison." tipid na ngumiti ang matanda sa akin bago kami umalis.Hindi ko maintindihan kung bakit hindi maalis ni Itim ang titig sa akin sa buong byahe. Hindi ko mabilang kung ilang sasakyan ba ang nagamit sa dami ng miyembro ni Itim.Dala nila ang ibat-ibang klase ng baril kaya hindi ko maiwasang kilabutan.Gusto kong magsisi na sumama pa ako rito pero ng sumagi sa isip ko ang anak ko ay binalewala ko nalang ang takot.Hindi ako ganito noon kahit ano pang transaksiyon ang ipagawa sa amin noon ni Luther ay hindi kailan man ako kinabahan.Nabaling ang tingin ko kay Itim ng ipatong nito ang kan'yang ulo sa balikat ko.
Inaantok ba talaga s'ya?
Kung gano'n seryoso s'ya noong sinabi n'yang tinitigan n'ya ako magdamag?
Andito kami sa loob ng van kasama ang iba pang miyembro.Muli nitong ibinalik ang pagtitig sa akin.
"Ano bang problema mo? " naguguluhan kong tanong. Umiling lang ito,
"I'm just scared that I wont see you if I'm going to close my eyes." natawa naman ako kahit seryoso n'ya itong sinabi.
"Malamang kasi nakapikit ka, paano mo ako makikita?" sagot ko dito. Inirapan ako nito dahil sa pagiging pilosopo ko. Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko ng makarating na kami sa eksaktong lokasyon kung saan ang hide out. Mabilis na naghanda ang lahat ng miyembro at nakinig sa sinabi ni Itim.Si Kurt naman ay patuloy sa pagmamanman sa paligid gamit ang telescope.
"I think, almost a hundred of men in black ang nakabantay sa gate na 'yon. Sa loob naman ay nagkalat din ang bantay. Mas mabuting maghiwa-hiwalay tayo. Ang kalahati sa atin ay sa banda ro'n.Sa bandang likod naman tayo dumaan Master,mas ligtas do'n."
Matapos makatanggap ng sign galing kay Itim na maaari na silang magsimula ay agad na silang umalis. Ngayon ay kaming apat nalang ang naiwan kasama si Luther at Kurt."Take this... " nagulat ako ng ilagay ni Itim sa kamay ko ang hand gun.
"Ayoko! " agad ko itong binalik sa kan'ya.
"Tsk... It's just for incase." wala na akong nagawa pa kun'di ang ilagay ito sa aking pocket. Agad kumilos sina Luther at Kurt para umalis.
"Don't go too far from me." bilin nito sa akin. Nang makapasok kami sa malaking gate ay nanlamig ang katawan ko ng makitang may namatay agad sa kasamahan namin.
BINABASA MO ANG
That Crazy Girl (Tan University Series 1)
ActionAlexandria lives a simple life. What will happen to her when Yexel Black Tan comes into her life? Will it remain in her previous life? Or will her quiet life be ruined?