CHAPTER 8

43 1 0
                                    

Hindi maalis ang ngisi sa labi n'ya habang sinusundan ako.Anong nakakatawa dun? Masaya ba s'ya sa ginawa nang maharot ng babaeng iyon?

"Nakakainis..." pabulong na sabi ko.

"What?" mabilis na tanong ni Itim.Agad ko naman s'yang inirapan.

"Are you jealous?" kumabog ang dibdib ko nang makita ang pagiging seryoso nito.

"A-ako? ang kapal a!" Sinubukan kong tumawa ng pilit para maibsan ang kaba ko.He tilted his head kasabay ang paghapit sa bewang ko,idiniin ako nito sa kan'ya.Tulala kong pinagmasdan ang kamay ko na ngayon ay nakapatong na sa kan'yang dibdib.

"Don't worry I'm only yours." pabulong na sabi nya.Tumaas ang balahibo ko,his husky voice made my knees tremble again.Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga n'yang tumatama sa aking tenga.Namilog ang mata ko at malakas s'yang itinulak papalayo sa akin.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Anong ginawa n'ya sakin?Akala ko ay magagalit s'ya sa ginawa ko ngunit ang mapungay na mata lang nito ang sumalubong sa akin.

"Let's eat now, I know you're hungry." Kukunin nito ang kamay ko para siguro hilahin ako ngunit agad kong iniwas 'yon.Tumaas ang kilay nito nagtataka sa reaksyon ko.

"Kaya kong maglakad mag isa!" pagalit kong sabi.

Hindi ko na kakayanin kung magdikit ulit ang balat namin.Dahil baka mas tumindi ang maging reaksyon nitong puso ko.
Nauna s'yang maglakad para makahanap ng kakainan.Nakita ko s'yang umu-order kaya umupo na ako sa pinakamalapit na table.May lumapit na mga babae sa kan'ya, hindi ko maintindihan kung ano bang sinasabi ng mga ito basta naririnig ko lang ang paghagikhik ng mga babae.Napairap ako.Wala lang naman ito kay Itim inilagay lang nito ang dalawa n'yang kamay sa bulsa n'ya at pasulyap sulyap na wari'y may hinahanap.Nang mapatingin s'ya sa akin ay parang nakahinga s'ya ng maluwag.Tinaasan ko ito ng kilay,umangat ang gilid ng kan'yang labi at hinarap n'ya ang mga babaeng kanina pa s'ya kinukulit , kinuha nito ang cellphone ng isa sa mga babae at tsaka nagpipindot doon.Pinipigilan ng mga babae ang pagtili,binigay ata ni Itim ang number n'ya.

D*mn him!

Nawala ang atensyon ko sa kan'ya dahil sa isang lalaking nasa harap ko.

"Hi Miss,you caught my attention.May I know your name?" tanong ng isang lalaking nasa harapan ko ngayon.Matangkad s'ya gwapo at may mapaglarong ngiti,halatang playboy.Parang yung isang lalaking kanina ko lang pinagmamasdan! Kahit umiinit ang ulo ko nang maalala ko si itim ay nginitian ko parin ang lalaki.

"Uh..." magsasalita palang ako nang may nagsalita sa likod ng lalaki.

"What's going on here?" nakita kong halos magdikit na ang kilay ni Itim ng sabihin n'ya 'yon.Kumunot ang noo ko at masamang tiningnan si Itim.

"I think it's not bad to know her name?" inosenteng sabi nito kay itim.

Nakita ko naman ang biglang pagkuyom ng kamao ni Itim.Kaya tumayo na ako para hilahin s'ya at lumipat ng ibang table.

"D*mn that bastard..." natahimik ito kaya naman nang may naalala ako ay uminit na naman ang ulo ko.

"Teka nga, bakit ba nagagalit ka d'yan,e ikaw nga itong wagas kung lumandi.Binigay mo pa ang number mo sa babaeng 'yon!" malakas kong sabi habang itinuturo yung mga babae kanina.Kumunot ang noo nito at maya maya lang ay hinawakan n'ya ang daliri ko at ibinaba ito.

"Don't worry I dialed a wrong number for them to stop.I hate seeing you with another man so stop making me jealous." seryosong sabi nito at hindi inaalis ang titig.Napanguso ako

Ano bang pinagsasasabi n'ya?

Ilang saglit lang ay nilapag ng isang lalaki ang pagkain,ito ata yung inorder n'ya kanina.Nagsimula na akong kumain at hindi s'ya pinansin.Ramdam ko parin ang titig nito sa akin.Huling sinakyan namin ay ferris wheel,medyo madilim na kaya kitang kita ang mga nakakaakit na ilaw sa buong city.Hindi ko maiwasang mayakap ang sarili ko dahil sa lamig na tumatama sa balat ko.Magkaharap kami ni Itim at ayan na naman ang titig n'ya.I'm starting to feel uncomfortable with his stares.

That Crazy Girl (Tan University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon