CHAPTER 29

97 2 1
                                    

Kaya ba inalis n'ya ako sa grupo n'ya?

"Hindi na n'ya itinuloy ang pagpapagamot dahil balak na n'yang ibigay ang puso n'ya,dahil gaya n'ya malala na ang kondisyon mo. Alam kong ramdam mo din na lumalala na ang pagsikip ng dibdib mo... "

Kaya ba galit na galit si Nicole sa akin kung bakit bumalik pa ako?
Ngayon ay naiintindihan ko na s'ya.Dahil sobrang nagsisisi ako.

"H-hindi totoo ang lahat ng sinabi mo Doc 'diba? " tanong ko dito umaasang nagsisinungaling lang s'ya.

"Yung puso ko... H-hindi ito nanggaling sa kan'ya 'diba? " nanlalamig na ang buong katawan ko dahil sa kaba.

Please sabihin mong hindi...

Dahil ikamamatay ko kung oo...

"Buong puso n'yang ibinigay 'yan para sayo...Malala na ang sakit mo,hija kaya kailangan mong operahan." suminghap ito.Pakiramdam ko ang bumagsak ang mundo ko.

"Hindi!!! May ibang paraan pa! Pwede akong humanap ng ibang donor! Hindi s'ya... bakit s'ya?! May ibang paraan pa... Bakit s'ya?! " hindi ko na napigilan ang malakas na paghikbi dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Bakit s'ya?

Bakit s'ya pa?

"Pero kung hindi ko ginawa 'yon ay hindi na din magtatagal ang buhay n'ya...His life was counted.At isang linggo nalang ang nalalabi sa buhay n'ya dahil sa sakit . My daughter knows about it, that's why she keep on crying and Black... he also knew about his condition..."

Ayaw gumana ng utak ko sa mga naririnig mula kay Doc Sison.

Wala nabang isasakit pa dito?
May susunod pa ba na mas isasakit pa?

"I didn't told you earlier because you are under a recovery stage. I know that it will cause bad to your heart and to your health." pagpapaliwanag nito.

Bakit ganito? Bakit hindi man lang n'ya sinabi sa akin ang lahat? Ang galing n'yang umarte na parang wala lang ang lahat.

"S-sabihin mo...Nasaan na si Itim,Doc Sison? G-gusto ko s'yang makita..." Nanginginig na sabi ko.

"His body was three weeks crimated.S'ya mismo ang nag-utos no'n. He didn't want anyone to saw his situation and feel pity for him. Kaya pagkatapos ng operation ay isinalang na agad s'ya sa crimation." unti-unting namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko na kayang tanggapin lahat ng naririnig ko.

"Hindi ito totoo... "
pabulong kong sabi sa sarili.

"Hindi ito totoo...buhay s'ya... makikita ko pa s'ya... "wala sa sariling sabi ko. Sinubukan akong pigilan ng matanda nang umalis ako sa kama. Pero hindi ko ito hinayaan. Hindi ako nagdalawang isip na alisin ang karayom ng dextrose na nakatusok sa kamay ko para malayang makalabas sa kwartong iyon.

"Makikita pa kita hindi ba? Sabihin mong nagbibiro ka lang ulit Itim... Sabihin mo... " bawat kwarto dito sa hospital ay pinasok ko umaasang makikita ko si Itim. Bawat pasyente ay pinagtitinginan ako sa tuwing bubuksan ko ang pinto ng kwarto nila.

"Hindi na ako natutuwa...Tigilan mo na ang pagbibiro mo sa akin, Itim!! Ayoko ng ganito! Lumabas kana please lang... please lang... " humahagulhol kong sabi. Naramdaman kong hinawakan ako ng Nurse at pinipilit na dalhin sa kwarto ko.

"Miss ibabalik ko na kayo sa kwarto n'yo." agad akong kumawala at lumayo dito.

"Itim magpakita ka na naman oh... A-ang sakit sakit na kasi e... " nanghihinang sabi ko. Hinayaan ko lang ang sarili kong mapaupo sa sahig.Yumuko ako habang hawak ang aking dalawang tuhod. Wala akong pakialam kung magmukha akong umiiyak na bata.

"Andito na ako...Hindi na kita iiwan ulit...Bakit gano'n? Bakit ikaw naman ang nawala...Hindi ko kaya...Hindi ko man lang nasabi na mahal kita...Hindi ko man lang naparamdam kung gaano ako kasaya pag kasama kita.Gusto ko pang makasal sayo sa altar.Gusto ka pang makilala ng magiging anak natin...Ayaw mo bang maranasan ang maging isang ama? Diba 'yon ang gusto mo? Please gagawin ko ang lahat...bumalik ka lang,mabuhay ka lang..." humihikbi kong sabi.Ang tanga ko dahil hinayaan ko lang s'yang hanapin ako sa loob ng ilang taon.Madaming araw, linggo, buwan at taon ang nasayang dahil sa paglayo ko. Wala ako ng mga oras na kailangan n'ya ako.Hinawakan ko ang dibdib ko.

Hindi ko kailangan nito Itim dahil ikaw ang kailangan ko.Kahit bago na ang puso ko ngayon ay nararamdaman ko parin ang matinding sakit.

Pano ko magagawa ang sinabi mo Itim?

Pano ko magagawang alagaan ang puso mo kung ngayon palang... sobrang wasak na ito. Parang dinudurog sa sakit dahil sa pagkawala mo.

5 YEARS LATER...

They say,no matter how much we want things to stay the same, life is all about change. Sometimes,change is for the better, and sometimes it’s not.

But no matter why things are changing, we need to be able to let go and move on. Whether it’s the death of a loved one, a painful breakup, a business failure, or a treacherous betrayal, holding onto pass pain and resentment will only hold you back.

Marahan kong niyugyog ang aking dalawang anak para gisingin.Sobrang espesyal ang araw na ito kaya kailangan namin magsimba.

"Halika kana Gray papaliguan na kita para makaalis na tayo." malambing na sabi ko sa bunsong anak ko.Gusto kong matawa ng makita kong halos magusot ang mukha nito dahil sa pagkairita.

"I'm not a child anymore,mom! I can do it on my own." inis na sabi nito.Matagal kong tinitigan ang maladiyos nitong mukha. Bata palang ito pero halata mo na ang napakagwapo nitong itsura. Hindi na ako nagtataka na namana n'ya ito sa kan'yang ama.

"My god, Zeus Gray! You still a five years old boy. Stop acting like an adult!" pagsaway ko dito.Umirap lang ito sa hangin.

"Tsk,you're crazy mom." pabulong na sabi nito. Napailing nalang ako dahil sa ugali nitong nagpapaalala sa ama n"ya.Ramdam ko ang paghalik ni Adriena sa aking pisngi kaya napangiti ako. Niyakap ako nito na para bang naglalambing.

"I will take a bath mom, I'm excited to go to the church because I wanted to pray for my dad po." magalang na sabi nito sa akin.Matamis ko itong nginitian bago tumayo para asikasuhin ang dalawa kong anak. Pagkatapos kong maayos ang lahat ay patuloy parin ako sa pagsermon sa aking bunsong anak.Palagi ko itong sinasaway dahil feeling nito ay napakamatured na n'ya.Kahit grade one palang ito ay nagagawa na nitong itama ang pagkakamali sa pagtuturo ng kan'yang guro.

Natigilan ako ng mapansing kanina pa pala tahimik na nanonood at pinipilit na pigilan ang tawa sa amin ng isang lalaking may kulay abong mga mata,

mga matang kahit kailan ay hindi ako magsasawang titigan.

Napangiti ako dito nang lumapit s'ya sa anak ko at mahinang tinapik ang balikat ni Gray.

"Hey kid,how's your day? " tanong nito

"I'm fine uncle." tipid na sagot ng anak ko.Bumaling naman ang tingin nito sa akin.Halos mapakurap ako dahil sa kislap ng kan'yang kulay abong mga mata.Hindi ata ako masasanay sa titig nito.

"Can we go now? " tanong nito sa akin. Tumango ako at ngumiti dito.

"Uhh, oo saglit lang Lyndon at tatawagin ko si Adriena." sabi ko dito bago tumalikod sa kan'ya para tawagin si Adriena.

That Crazy Girl (Tan University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon