Chapter 6
"Nervous"I can't believe Ham really went out for the girl. Ano na naman kaya ang sadya nito para dumayo sa classroom namin ng classes hour? Mula sa pinto, binaling ko sa harap ang tingin. Nagpatuloy na sa discussion. Nahagip pa ng mga mata ko ang paninitig ni Aris. Inirapan ko siya.
Nang ilang minuto na ang lumipas at hindi pa pumapasok ulit si Ham, sumulyap ako sa may pintuan. What took him so long?
Wala na sa discussion ang isip ko. My mind is now trying to figure things out between those two. I frowned. What if Ham entertains that girl? Maybe for fun? I dunno. No one can exactly predict what that guy thinks.
Bago pa maglipat ulit ang minuto, nakabalik na siya. He used the back door. He quietly sat on his chair. Tiningnan ko siya. He still looked stern, tho. Mukhang pa ngang iritado dahil sa pagtagis ng bagang niya. Magtatanong sana ako kung ano ang sadya sa kanya, but then, I'll be nosy. Kaya huwag na lang.
My brow arched seeing Ham stood up, pagkasabi pa lang na dismissed na kami. Parang nagmamadali. Mukhang kanina niya pa hinihintay na matapos ang klase.
"Ham, our term paper," sabi ko para makuha ang atensyon niya.
"Malayo pa 'yon," malamig niyang ani at umalis na. Hindi man lang siya nagpaalam kay Aris. Tuloy-tuloy lang siya hanggang makalabas ng room.
Mas lalong napakunot ang noo ko.
Umiling na lang ako nang makuhang wala siya sa mood. Tiningnan ko si Aris na nakasubsob parin sa desk niya.
"Aris."
Hindi siya gumalaw kaya hinawakan ko ang buhok niya at ginulo. He quickly caught my hands. My shoulder jumped a bit sa init ng kamay niya. Kaya mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
"When are you visiting the house?" biglaan kong nasabi.
Umupo siya ng maayos. Namumula pa ang mga mata niya. Nakatulog nga talaga siya.
"Hmm?"
"T-they're asking about you." I looked away. Nilagay ko ang libro at highlighter sa loob ng bag ko. Dinampot ko ang bag ko at isinukbit sa balikat. Hindi ko na tiningnan si Aris. Nilagpasan ko siya at naglakad na palabas ng pinto.
Hindi pa ako nakakalayo, nakasunod na agad siya.
"I can go now."
"Bahala ka."
Sabay kaming naglakad. We reached the parking. Nando'n din ang driver niya pero pinauwi niya. Sumakay siya sa SUV namin. We are sitting on the back seat. Nasa kanan ako, siya sa kaliwa.
"Nagugutom ako," sabi niya.
"You can eat at home."
His lips twitched. Nakatigil ang sasakyan dahil sa traffic. It's been five minutes already. Hindi pa rin umuusad sa harap.
"Manong, we'll eat there," tinuro niya ang cafe sa tapat. "Sunod na lang po kayo."
Hindi na ba siya makapaghintay? Kukunin ko na sana ang bag ko para ibigay na lang sa kanya ang biscuit ko ro'n nang hindi na siya bumaba, but he held my wrists.
"Tara. Magtatagal pa 'to." he said and pulled me out of the car.
"Aris!" napatili ako dahil sa gulat.
Tumawid kami. Hilahila niya ako hanggang sa makapasok sa café. Nang makapasok sa pinto, I briskly grabbed my hand.
"Hindi naman ako nagugutom," I said, iritable na sinama pa niya ako rito.
BINABASA MO ANG
The Opposite of Hate (Upper Crust #1)
General FictionLaviña Clarene won't run out of reasons why she hates Aristotle. She hates how her life is always entangled with him, na kapag sinabing Laviña karugtong na nito ang Aris. She grew up with him, and even shares her family, not to mention their parents...