Chapter 25
"Ipaubaya"
"I'm not gonna kiss you," he murmured. "You have a boyfriend.""I don't have a boyfriend."
"What about Slater?"
Ngumuso ako. My eyes squinted as I keep my vision steady. Napahawak ako sa balikat niya nang para akong mahuhulog sa hita niya. He keeps me still. Humigpit ang hawak niya sa baywang ko.
"Paano ko siya sasagutin when I can't see a future with him?" I groaned in annoyance. "I don't even feel something for him!"
"Talaga?"
Magulo man ang paningin ko, I am sure he just grinned devilishly. Parang nakaisa. Pretty pleased sa narinig niya. Tinago ngiya ang ngiti. Umarko ang kilay niya. Mataman pa rin ang titig sa'kin.
Kalaunan, bumaba ang mga mata niya sa labi ko. He swallowed hard, it's pretty obvious how his throat just waved.
"Are you fucking scared of Ludwig Ricaforte, Aristotle?" I mocked him. Ngumisi ako. Damn, my head feels light.
"We're not having this conversation... Not when you're drunk, Laviña."
"Duwag ka naman pala... You have no balls," l laughed drunkenly. "Sunod-sunuran at uto-uto. What a pity."
Umigting ang panga niya. Mas lalo akong ngumisi seeing the annoyance in his eyes. Ang galing-galing ko. I pissed him off. Now I think he wants to wring my neck. Tiningnan ko siya ng may panghahamon.
Oh, I am not scared.
"Let's go home," mariin niyang sabi. He got some bills and left them on the table.
Umiling-iling ako, pero tumayo na siya habang buhat ako. Nalula ako kaya agad na kumapit sa leeg niya. Lumala ang hilo ko. Sa kaba na may makakita sa'kin na ganito ang ayos binaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya.
Nakatulog 'ata ako habang pauwi at hindi na nagising pa pagdating sa bahay. Nagising ako kinaumagahan na iniinda ang hangover. Buong Sabado akong nasa kwarto. Lumalabas lang tuwing kakain. Nasira ang plano ko dapat para sa araw na 'yon.
Sunday, we went to the Sunday Service. Kaya sa hapon na ako nakapaghanda para sa unang araw ko sa trabaho sa Lunes. Habang si Aris abala nang weekends. Mukhang babalik na siya ng Oxford.
Iniirapan ko siya tuwing nahuhuling nakatingin sa akin. I feel so pissed, but would just smile. Nanadya siguro.
Sa linggo ko na rin kinausap sila Terrie at Yancy. Nakauwi naman daw sila kahit inumaga na. Wala na rin naman ako sa sarili ko noong Friday. Kung wala si Aris hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
"Good morning, Miss," salubong sa'kin ni Jia. Dumating ako fifteen minutes bago mag-alas otso. Ayokong sobrang aga pumasok.
"Good morning."
Pagpasok ko, napuna ko agad shelf sa corner. Puno ito ng pagkain at may maliit ring refrigerator. Wala ang mga ito noong pagpunta ko. Kaya lumabas ako para tanungin si Jia.
"Who set up that snack shelf and the refrigerator?"
"Ah, si Sir Aris po ang nagpalagay niyan."
Kumunot ang noo ko pero hindi na nang-usisa pa. "Thank you."
Inayos ko na ang konting gamit na dinala ko. Hindi ko gusto na maraming gamit sa desk ko. Good thing they made sure na konting gamit lang ang narito. I opened the computer at tiningnan pasikot-sikot. Bago pa 'ata ito. I set up my password on the PC and opened my company email na gagamitin ko mula ngayon. I also make sure na working ang printer at fax.
BINABASA MO ANG
The Opposite of Hate (Upper Crust #1)
Fiksi UmumLaviña Clarene won't run out of reasons why she hates Aristotle. She hates how her life is always entangled with him, na kapag sinabing Laviña karugtong na nito ang Aris. She grew up with him, and even shares her family, not to mention their parents...