Chapter 38

9.2K 326 100
                                    

Chapter 38
"Migraine"


I will just buy tea. Bumaba pa talaga siya para sumama sa loob. He pushed the door and held it so I could get inside saka siya sumunod.

"Nag-dinner ka na?" nilingon ko siya habang naglalakad palapit sa counter nang naalala 'yon.

"Not yet," mahina ang boses niya pero abot naman sa pandinig ko.

Kinunutan ko siya ng noo. "Why? Anong oras na?"

Don't tell me naghintay lang siya kanina na walang ginagawa? Hindi man lang ba siya nag-utos ng pagkain kung ayaw niyang lumabas?

"Kumain ka muna sa malapit dito bago mo ako ihatid. This will be quick."

"H'wag na, just order me anything here."

My eyes turned to him. "Will that be enough?"

"Yeah." Kinuha niya ang pitaka at kumuha ng card. He handed it to me.

Tinaasan ko siya ng kilay, inirapan at tinalikuran na para lumapit sa counter.

The barista greeted me. I looked up at the board and scanned what Aris could eat. Nang makapili na sinabi ko na at binayaran. I turned around and see where he sat down.

He is sitting loosely, naka-lean ang likod sa backrest ng upuan. His legs parted a bit. Ngayon ko lang napansin na nakatupi na ang sleeves ng blue long sleeves niya. Bukas na rin ang unang tatlong botones nito. He looks like a man so tired from working from dusk to dawn.

Umupo ako sa katapat na silya. Nilapag ko ang bag sa katabing bakanteng upuan. I crossed my arms on my chest and looked at him. Humilig din sa backrest. He opened his eyes.

"Pagod na pagod, a?"

"There's a lot of work to be done."

"I don't think so, you still have time to date." Umismid ako.

Deep folds appears on his forehead, wala naman siyang sinabi.

"What will you do kung hindi pa rin pasado ang commercial sa'yo?" I decided to talk more dalhin maghihintay pang matapos gawin ang order.

"You're not confident with your work?" He shifted his weight at inayos ang pagkakaupo.

"I am confident with my work, but not with your mood swings."

Masama niya akong tinitigan. I smirked.

We heard his phone ringing. Kinuha niya iyon at sinagot na agad. Napailing na lang ako at tiningnan ang cellphone kung may messages. I already called the driver and texted Mama na si Aris na ang mag-uuwi sa akin bago pumunta rito.

"It's alright, Dove... Sure..."

Bakit may kalapati pang tumatawag sa kanya nang ganitong oras? Ano 'yan booty call?

"Sure thing. No problem."

He glanced at me. Blangko ko lang siyang tinitigan. Nababahala ba siyang marinig ko ang usapan nila? Hindi ko naman naririnig ang boses ng kausap niya. At bakit hindi na lang siya tumayo at lumayo kung hindi dapat naririnig ng iba?

"I'll see you." Tinapos niya ang tawag at binaba ang cellphone.

Magkikita sila? Saan? Ngayon ba pagkatapos niya akong ihatid?

I arched my brow when he stared at me as if expecting I will ask about his phone call. Kaya ko namang rendahan ang sarili. I am not nosy and most time I don't care. Mag-aabala lang ako if it's worthy of my interest.

Wala na kaming kibuan hanggang sa tawagin ako para sa order.

I sipped my tea while he took a bite of his sandwich. I got him a pie, too, tapos kape. Hindi na rin naman siya dapat kumain ng marami when it's late already.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon