Chapter 19

7.9K 288 198
                                    

Chapter 19
"Sapatos"

Malinaw naman sa'kin ang mga nangyari kagabi. But when I woke up and opened my eyes, I just lied there, staring at nothingness.

"Napano 'to?" I lightly touched his face. May nakita akong gasgas sa left cheek niya.

Bukas na ulit ang emergency light pagkalipas ng ilang saglit. Malakas pa rin ang bugso ng hangin at patak ng ulan sa labas.

Hindi siya umiwas sa hawak ko. Nakatitig siya sa mukha ko. Hawak niya pa rin ako habang nasa kandungan niya.

"It's nothing."

"I don't believe you."

Gaya ng iniisip ko, to prove that my hunch is right, hinawakan ko ng mariin ang left shoulder niya. He winced. Alam kong masakit iyon.

Marahan niyang inalis ang kamay ko ro'n. Nagkatitigan kami. He put down my hand.

"What happened?"

"I... fell," he admitted. "Sa lakas ng ulan hindi ko nakita ng maayos ang daan."

"Nag-helmet ka ba?"

He slowly shook his head.

"That was dangerous!"

"Nagmamadali ako," kalmado niyang paliwanag.

Hinawakan ko ulit ang tumama niyang braso, this time magaan na. Umiling siya.

"I am fine."

"Titingnan ko."

Hindi na siya nagmatigas. He let me see his shoulder and arm. Napasinghap ako. Pulang-pula ang balikat at braso niya. Kung ganito, malala ang pagbagsak niya. Magkakapasa siya for sure!

Problemado ako. He put on his shirt when he saw my reaction.

"Don't worry about it. Wala lang 'to. Besides it's natural."

Natural? Ilang beses na ba siyang natumba o nabunggo? At hindi pa naka-suot ng helmet!

I think we should do something about it now.

"Magpatingin ka agad," sabi ko. "Bukas na bukas din."

"Yeah," balewala niyang sabi.

"Tumama ba ang ulo mo?" I go on checking his head na parang may mahahanap akong bukol o sugat. While I was busy checking his head, napa ubo naman siya.

He should drink something warm!

"I'll make you coffee."

He shook his head. "H'wag ka ng bumaba."

"But you need to drink something hot para mainitan ka naman. For sure nilalamig ka. Sumuong ka sa bagyo."

"Are you worried?"

Napakunot ang noo ko. "Of course!"

Sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Hot chocolate na lang siguro o gatas or tea."

"No need..." His lips twitched. "Hindi ko na kailangan magpainit pa."

I frowned even more.

"Nag-iinit na ako," bulong niya.

I hit his shoulder hard. Napadaing siya kaya agad kong naibaba ang kamay.

"Sorry."

Wala na si Aris nang magising ako. Tanghali na no'n. May mga katulong na sa baba. Narito na rin si Lola. My parents called at pauwi na sila agad. Maaliwalas na ang panahon. Mataas na ang sikat ng araw. Parang wala nangyaring unos. The only mark left by the typhoon ay ang magulong labas, nagkalat na mga naputol na sanga ng mga kahoy, mga nilipad na bagay and some damages on the properties.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon