Chapter 12

9.3K 354 154
                                    

Chapter 12
"Sayang"

Kunot na kunot ang noo ko habang tinitingnan si Aris na tumutulong sa aking magsampay. I decided to do the laundry. Kulang kasi ang maids kina Lola ngayon dahil maraming sabay-sabay na nag-leave kaya hindi nakapagpadala ngayon sa bahay. Si Mama naman ay inaasikaso si Ludrig at Lavigne. Si Papa may kinailangan i-meet na kliyente.

I didn't ask for Aris' help. Nagulat na lang ako nang sumunod siya rito sa laundry area. Hindi ko naman kailangan ng tulong. Konti lang 'to.

"Saan to banda ilalagay?" tanong niya.

"D'yan sa dulo, para madaling matuyo." Makapal kasi ang tela.

"Are we done?" Pinasadahan niya ng tingin ang wala ng lamang basket na lalagyan ng mga isasampay na.

Tumango ako. Tapos ko na ring malinis ang laundry area dahil si Aris na ang nagsampay ng huling batch.

"Bakit ka pa tumulong? I could have done this kahit mag-isa."

"Para mapadali ka, besides may mabigat isampay."

Magsasalita pa sana ako nang kunin niya ang kamay ko at sinuri. I attempted to get back my hand, pero sa higpit ng hawak niya hindi ko nagawa.

"Nagsugat ka na."

"Wala 'yan. Dahil lang sa sabon."

"Dapat na sigurong magpalit ng ibang detergent kung nagkakasugat ka," he said, frowning. Parang napakalaking bagay no'n sa kanya.

"Matagal na naming gamit 'yan."

Tinalikuran ko na siya. He is overacting again.

"Ayaw pa rin ba ni Tita na kumuha ng house helps?"

He followed me. Nakapasok na kami sa back door. Diretso itong kusina.

"We can manage. Hindi naman kailangan ng katulong."

"Pero kung may katulong you don't have to do the chores. Magkakaoras kang magpahinga or do things you want."

Binuksan ko ng fridge para kumuha ng pitcher. Nauuhaw ako. I'll just drink water. Inabot ko ang basong nasa cupboard. Sinalinan ko ito hanggang sa halos puno na.

"I have enough time to rest and do my thing, Aris," sabi ko bago uminom. Inubos ko ang laman ng baso.

"I'm just concerned. Pagod ka pa kung minsan dahil sa soccer practice."

Lumipat ako sa sink para mahugasan ang baso. Nakasunod pa rin siya. Tumabi siya sa akin at pinanuod ang paghuhugas ko.

"Hindi naman ako pinapagalaw dito kung pagod na pagod talaga ako. Si Mama, she understands."

Dinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Wala ka bang gagawin maliban sa pagsunod-sunod sa akin?" Hinarap ko na siya pagkatapos mailagay ang nahugasang baso.

"Later in the afternoon. I will meet up with my partner para sa written report namin."

"Sino?" Hindi naman ako interesado sa nangyayari sa studies at nakakasama niya, but I uttered that out of reflex.

"Si Ava."

Kilala ko iyong Ava na ka-block niya.

Umismid ako. "The girl who has a huge crush sa'yo?"

"Tss." He looked annoyed.

I smirked.

Natigilan kami nang dumating si Laverne, bitbit ang aklat niya at ballpen.

"Kuya, can you help me with this one?" ani Laverne.

Napataas ang kilay ko habang sinasabi niya 'yon.

"I can do that, ako na ang tutulong sa'yo," sabi ko.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon