Chapter 42

11.5K 348 128
                                    

Chapter 42
"Girls"


Tinaas ko ang suot na sunglasses. Ginawa kong headband. Sobrang sakit sa mata ng init sa labas. Tirik na tirik ang araw. Straight from my two meetings outside of the company this morning for LA Quor ads, kararating ko lang ng tower. Paalis na ang iba para sa noon break, ako papasok pa lang.

"Good noon, Miss Laviña," bati ng mga nakakasalubong ko habang patungo sa opisina ko.

"Good noon," tipid kong sabi. It didn't matter kung nasa tama ba ang ekspresyon ko. Pasasaan ba at masasanay din silang ganito ako.

I got my key inside my bag. Binalik ko agad pagkabukas ng pinto. Hindi ko pa man nabubuhay ang mga ilaw napuna ko na agad ang mga nawawalang gamit. I turned around to see somebody.

Papasok sana si Bruce sa kanyang cubicle nang sumenyas ako. Lumapit siya sa kinatatayuan ko.

"Good afternoon, Miss. Hindi po ba nasabi sa inyo?"

Napaarko ang kilay ko. Wala akong natanggap na notice o memo, well, kapapasok ko pa lang naman.

"Sa LA Quor na raw po ang opisina niyo."

Marami man akong tanong pero pinakawalan ko na si Bruce dahil malamang wala rin siyang alam. Bakit naman ako mag-o-opisina sa LA Quor kung employed ako sa Alcantara Foods?

Nagmadali akong umakyat para sakaling mahabol pa si Aris sa opisina niya.

"Hi, Miss Laviña-"

Nilagpasan ko si Dyanra at pumasok sa opisina ni Aris. Mabuti naman at andito pa siya. Magkasama kami kagabi tapos wala siyang sinabi. O kahit text galing kanina.

His gaze flew to me the moment I entered his office. Sinara ko ang pinto. I locked it before going near him.

"Nag-lunch ka na?"

No, hindi pa ako kumakain. But I ignored his question.

"Did you transfer my office?" tanong ko kahit kombensido akong utos niya iyon.

"Yeah," aniya, kalmado at wala man lang kaba na hindi ko nagustuhan ang pasya niya.

"Why?"

"That office is small at mukhang faulty ang ilang ilaw."

Kinunutan ko siya ng noo pero umayos din at nagtaas ng kilay. I crossed my arms on my chest. Nakarap ako sa kanya. Nakapagitna sa amin ang kanyang lamesa.

Okay, point taken, pero hindi pa rin lulusot. Hindi naman problema ang maliit na espasyo and clearly kung problema lang sa ilaw madali lang iyong ayusin. This ass!

"Nasa baba ang team ko. At hindi lang sa LA Quor ang trabaho ko, the entire Alcantara Foods, kaya bakit dito? It's hassle!"

He remained composed. Nagawa pa akong taasan ng kilay pabalik. He leaned on his seat, completely throwing his focus at me.

"Wala ng available office doon besides mas komportable ang opisina mo rito."

"Sigurado ka?" Tinapunan ko siya nang naghahamon na titig.

Umirap siya. He drew a deep breath at tumayo sa swivel chair niya. Mabagal siya naglakad papunta sa harap ng lamesa niya. He sat on the edge. His arms crossed on his chest too.

"Masyadong abala kung aakyat-baba ako. Paano ang paperworks? It's tiring especially during hectic times."

"Ipag-utos mo na lang."

My lip parted in disbelief. Iiling-iling ako.

"What if I don't want to transfer, hmm?" Humakbang ako palapit sa kanya.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon