Chapter 44

11.4K 337 85
                                    

Chapter 44
"Favorite"


"I was partly scared that you were secretly planning to hurt me... Na maghihigante ka sa akin. And I deserved it for hurting you multiple times and hating you because of my insecurities," I admitted. Banayad ang boses ko.

Nakaligo at nakakain na rin. Nakapagpalit na rin ng damit dahil sa padala ng tauhan niya. Nasa kama ulit kami. Ako, inaantok pa konti. I don't want to move. Kung pwede lang dumito buong araw hanggang gabi.

My fingers were feeling the stubble on his jaw as we talked more about the past. Nakahiga siya sa mga hita ko. I am looking down at him.

"I was convinced a bit dahil hawak mo pa rin ang shares na bigay ni Papa when you already have too much from your families."

Matamang nakatitig ang mga mata niya. He looks peaceful and contented. His face is relaxed.

"But I don't really mind that you keep your shares," agap ko. "It's your right dahil bigay iyon ni Papa sa'yo."

His stubble feels so sharp on the tip of my fingers. Nang silipin ko ay namumula na iyon, but it's kinda addicting kaya patuloy pa rin sa ginagawa.

"Bakit mo pala tinanggap pa rin? I really thought you don't want to see me or be connected to me in any way as much as possible. I also thought that it will bruise your ego kaya bibitawan mo na."

"So you could have a double portion," diretso niyang sagot, diretso rin ang titig sa akin.

My lips parted a bit. It made my forehead creased while staring at him.

"I don't give a damn on any of my inheritance. Magsusumikap ako ng akin. Even so you can have it."

Kinuha niya ang kamay kong humahaplos sa panga niya. He brought it to his lips, paulit-ulit na dinampian ng halik.

I swallowed hard.

"Take it all... all that I have... till all I have is you."

It's terrifying how he can love this deep. He is giving too much. It makes me shiver. Parang ayaw kong tanggapin dahil baka hindi ko kayang tumbasan man lang. In a shallow sense, walang wala ang pagmamahal ko kumpara sa kanya.

Pakiramdam ko I can give anything he asks without a having second thoughts.

Napakurapkurap ako. "I am not after any wealth... I can be a striving average earner employee."

Umangat ang sulok ng labi niya. He rise and sat down. Humilig siya sa head board at agad pinaikot sa akin ang braso niya. I leaned comfortably on his warm bare chest.

"I was heartbroken..." I muttered after a moment of silence nang nanumbalik ulit ang nangyari pagkatapos niyang tuluyang umalis ng Oxford. I knew then he won't be coming back. "I was broken... too broken that I almost failed. I wanted to just drop everything and go home."

"It's your karma for breaking my heart... You deserved it," he said cruelly habang marahang dumudulas ang mga daliri niya sa buhok ko.

My lip dropped open in disbelief. Itinikom din nang walang pang rebuttal.

So I rolled my eyes and slapped his thigh. Napapangiti na rin kahit masakit ang alaalang 'yon. I was so lost and everything just does not make any sense.

"I couldn't not go anywhere dahil sakop ng mga alaala mo ang buong Europe. Hindi rin ako makauwi rito dahil wala pa akong napapatunayan and I was such a failure... even more failure kung hindi ko tinapos ang MBA ko at trainings."

Although, sa tingin ko ay hanggang papel lang ang silbi no'n. Nandoon na lang ako para tapusin ang nasimulan. But the succeeding year, when I fully acknowledged that I am into something different, natuto naman ako. It's still a good decision to extend my stay. At sa tingin ko rin kung umuwi agad ako I would eventually breakdown.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon