Chapter 30

10.9K 350 53
                                    

Chapter 30
"Gorgeous"

"Stop moving," sabi ko habang inaayos ang tourniquet sa braso niya. I am going to extract his blood for sampling.

"I'm certain this has nothing to do with your MBA," aniya at inaayos ang hawak sa nakataas niyang sleeve.

I could not help but laugh kahit na nagsiseryoso ako rito. Kinuha ko ang bulak at nilagyan ng alcohol. I dabbed it on his skin.

"Your fist."

Kinuyom niya ang kamao para mas lumitaw ang ugat niya at madali kong masipat. Inayos ko ang pagkakapwesto ng braso niya.

"So you'd rather do this than me teaching you how to drive, huh?"

"Sa susunod na iyon, besides kabisado ko naman na all the theoretical stuff. I am stressed with the finals. I want to do this. Kasalanan din ng microscope mong nagpapansin sa akin."

Mas inilapit ko ang basket na may lamang tube holder, cotton, tape 'tsaka bandaid para madaling maabot pagkatapos maka extract ng blood.

"Natatakot ka ba sa karayom?" My brow arched at him. Hinawakan ko na ang braso niya.

"Nah. I'm just afraid of what you're up to the next time."

I got the needle and tube. Confident naman akong magagawa ko ito. Kung matitano o ma-inffection siya, may health insurance naman siya. Hindi niya ito ikakamatay kung sakali.

"You're not planning to dissect me, are you?" Kritikal niyang tanong.

"Aris!" I groaned. He is obviously distracting me.

"Alright. Alright," tumatawa niyang sabi at umayos na.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"I should be paid for this for endangerment."

I make face at him. Binaon ko na ang karayom sa skin niya at sinigurong nasa tamang anggulo 'yon. Konti lang naman ang in-extract ko. Then I pulled the needle. I dabbed a small cotton sa dinaanan ng karayom, tinanggal ko ang naka buhol na tourniquet, tapos nilagyan na ng bandaid.  I set aside the blood sample para kumuha ng slides. Hinayaan ko na si Aris.

Lumipat ako sa tapat ng microscope. I placed a drop of his blood sa microscope slide. Tapos sobrang konti pa ulit. Maingat kong nilagay ang coverslip sa gitna kung nasaan ang stain ng dugo. Nang maayos na iyon sinalang ko na sa stage. I adjusted the knobs, finding the accurate focus and lighting. It's a high power microscope kaya ang gandang gamitin.

"It's done!"

Binalingan ko si Aris, nakataas ang kilay at nakamasid sa ginagawa ko. Tumayo ako at pinapalit sa pwesto ko para makita niya.

He lazily stood up at umupo sa upuan ko. Sinilip niya lang saglit.

"Tapos ka na?"

Sa halip na bumalik na siya sa upuan niya, hindi siya umalis. Hinila niya ako at pinaupo sa kandungan niya.

"Masaya ka na?" aniya, masama yata ang loob na kinuhanan ng dugo.

Tumawa lang ako. I grabbed my phone. I turned to my camera app. Tinapat ko ang lense sa eyepiece. I tapped the screen para mag-focus. Tatlong beses akong kumuha ng litrato. Namili ako ng isa then posted it sa my day.

"Where's the car key I gave you?" sabi niya habang tumitingin ulit ako sa eyepiece.

"Tinapon ko nga."

"Why?"

"I was pissed."

"Hmm..." Hinawi niya ang buhok sa balikat ko. "Do you really have to throw it?"

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon