Chapter 17

8.4K 335 109
                                    

Chapter 17
"Slap"


I was so distracted, hindi ko na iyon itatanggi. Nang hindi na nakayanan, I ditched my class. Sa halip na sa library, sa students lounge na lang ako nagpunta dahil mas malapit. Gusto pa sanang sumama ng dalawa pero tinaboy ko. Papainitin lang nila lalo ang ulo ko.

One sharp breath bago iritado kong nilabas ang cellphone sa bulsa ko. I can't think straight.

Mabilis kong nahanap ang number ni Aris. Tinawagan ko siya. I thought he won't pick up. Nasa klase 'yon. But he did.

"Why? What's wrong?" Iyon agad ang bungad niya. He sounds alarmed. Siguro nasanay lang na saka ko lang tinatawagan kapag may nangyayari.

"Nasaan ka?"

"Attending my class. Why?"

"Ano'ng oras kayo matatapos?"

"Three pa."

Alas dos pa lang ngayon.

"Laviña? What's wrong?" muli niyang tanong.

"I wanna go somewhere."

"Where?"

"Anywhere."

"Where are you? You didn't go to class?"

Natahimik ako nang saglit na napaisip. Why am I bothering him?

"Nevermind." Pinatay ko agad ang tawag. I slouched then eventually leaned on the backrest. Pumikit ako ng mariin. Sumasakit lalo ang ulo ko.

Ito ang unang beses na hindi ako pumasok ng klase para sa walang katuturang dahilan. I am not even guilty or worried.

Tinanaw ko ang cellphone ko nang umilaw ito. Aris' calling back.

Why does my problem always involves him? Or maybe he is really my problem?

Magpapalipas na lang siguro ako ng oras dito. I can go outside, pero hindi ko alam saan naman ako pupunta. Hanggang seven ng gabi ang klase ko ngayon. Hindi ko naman gustong umuwi.

I just want to think. To breathe.

Or maybe I am just avoiding things that bothers me and keeps me distracted?

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Once again, there's this quick flash of me kissing Aris. Kung magpapatuloy 'to, ito ang ikakabaliw ko.

Bakit ba hindi ko na lang ito harapan nang matapos na?

The call died.

Inisip kong mabuti ang pag-uusap namin ni Tita Caroline. Malinaw naman sa'kin ang gusto niyang mangyari. I will surely benefit from it. Kaya walang masama kung gawin ko ang gusto niya. It's high time, too.

Hindi na ako nagulat nang ilang minuto lang nasa harap ko na si Aris. Bumagal siya nang papalapit na sa kinauupuan ko. Tamad akong nag-angat ng tingin nang huminto na nga siya sa tapat ko. Nakakunot ang noo niya.

"What are you doing here?"

"Shouldn't I ask you the same thing? Hindi ka pumasok? Bakit?"

"Ayaw ko lang."

Tinitigan niya ako, must be deeply thinking what's going on with me.

I suddenly thought of something. "Where's the car? The one you're giving me."

Mas lalong nalukot ang gwapo niyang mukha. Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang purse kung saan nakalagay ang susi no'n. Kinuha ko. My point finger hooked the key chain attached on it.

"Can you pull it out now?"

"Laviña," tawag niya.

"Gusto kong makita."

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon