Chapter 26
"Finally"Slater de Vera:
Lav, I didn't mean to hurt you or anything. I am really sorry for how I acted. I was out of my mind, but it doesn't acquit my actions. I am so sorry. I mean it. Please forgive me.I ignored his message once again. I don't care if he is sincere or not. Ang sa akin lang ay tigilan niya na ito. This is consuming him. At hindi iyon mabuti. I don't want to be anyone's destruction. Ayaw ko ng palakihin pa ito at gugulan ng oras. I hope he gets the message—na hindi ko na kayang i-tolerate ang actions niya. At this point, I don't want to see or talk to him. Siguro kapag lumipas na ang panahon ay makakaya ko na ulit siyang pormal na pakiharapan. Just not now. I have so much on my plate.
Mabuti na lang walang nakakita sa nangyari. The least that I want ay umabot pa ito kay Papa. Hindi ko na itinuloy ang pag file ng case sa security para ipaharang siya because what if he has important business sa building o sa kompanya. Iyon na lang ang magagawa ko para sa kanya. Sana lang ay matauhan na siya.
Inabot ko ang bayad pagkahinto ng taxi sa tapat ng condo ni Tito Ruiz. I stepped out of the taxi and looked up sa madilim na kalangitan. May buwan pero hindi gaanong maliwanag dahil sa makapal na ulap nakatabing.
I entered the tower, direstso sa elevator. Pinindot ko ang floor ng unit ni Tito. Ilang beses akong bumuntong hininga habang naghihintay na makarating. I stared at my reflection on the closed door. Inayos ko konti ang buhok, nang hindi na makaya ng konting hawi sa mga takas na buhok tinanggal ko na lang ang tali at hinayaan itong bumagsak sa balikat ko.
Galing pa akong opisina. Nag-over time ako para kahit mahuli ako ng pasok bukas walang mabinbin na mga papeles. Nagpaalam akong kikitain sina Terrie. But here I am now.
Ngumiti si Tito nang pagbuksan ako at patuluyin. Bago pumunta rito nagpaalam na ako sa kanya.
"Good evening po," I greeted politely. Saka ko lang naisip na sana may dinala ako. Bilang pasasalamat na rin sa recommendation niya. It's too late now.
"Kumain ka na?"
"Hindi pa po, but I am full."
He nodded. "The househelp is here, you can just ask her for food."
"Salamat po."
"He is upstairs." Ngisi niya. "Nasa balkonahe."
He called the househelp, agad namang lumapit ang isang babaeng nasa late forties na siguro at nakasuot ng asul na scrubs.
"Please prepare dinner for two. Hindi pa kumakain iyong isa," utos niya.
"Opo, Sir."
"This is Laviña. And she is always welcome in my home."
Tumango siya. "Magandang gabi po, Ma'am."
"Good evening din po."
"I can't stay longer. I have to go, Laviña. If you need anything you can always call me."
"Thank you, Tito. Mag-iingat po kayo."
I watched him exit the door. Huminga ako ng malalim bago bumaling sa marmol na hagdan. Unang beses ko pa lang makapunta rito. Mabagal ang pag-akyat ko ng hagdan.
BINABASA MO ANG
The Opposite of Hate (Upper Crust #1)
General FictionLaviña Clarene won't run out of reasons why she hates Aristotle. She hates how her life is always entangled with him, na kapag sinabing Laviña karugtong na nito ang Aris. She grew up with him, and even shares her family, not to mention their parents...