Chapter 28
"Name"Nagkaroon pa ako ng light fever kinagabihan. Pakiramdam ko lumala ang nararamdaman ko dahil andito si Aris. I am used to taking care of myself pero ngayon ayaw na niya akong pagalawin. He is stuck here at hindi naman iyon problema sa kanya.
I woke up to the smell of coffee and butter. Nawala na ang konting lagnat at ang cramps ay hindi na ganoon ka tindi. Dahan-dahan akong umupo tapos umalis ng kama. I removed my scrunchie para ayusin ang pagkakapusod ng buhok ko. Pumasok ako ng banyo para magpalit ulit ng pads.
Paglabas ko, I walked towards the kitchen. I saw Aris back. Abala sa kung anong hinahanda. Napangiti na lang ako. I felt proud of him. Marunong na nga talaga siya. Mas magaling pa nga siya sa akin.
Nilingon niya ako nang mapansin. "Morning."
"Maaga kang nagising?"
Tumabi ako sa kanya at tiningnan ang gawa niyang toast na may melted butter.
"Yes." He touched my forehead with the back of his hand. "How are you feeling?"
"Feeling better."
"That's good."
"Wala kang lakad today? I'm fine, you can go," sabi ko habang kumukupit sa platong may pritong bacon.
"It can be done some other day."
"Sure ka?" Inabot ko ang buhok niyang nakababa sa noo niya. I put it aside para hindi matabunan ang mukha niya.
He nodded.
"Your hair grows fast."
"That's why it's convenient to let it grow and cut frequent trips to the barber."
Kinuha ko na ang hinanda niya at dinala sa mesa. I set up the table at hinintay siya matapos at umupo na rin. We have buttered toasted bread, bacon, Hungarian sausage, beans in tomato sauce, and then fried tomatoes and some avocado slices. Very English, indeed.
"Are you fine with this?"
"Yup. This is good."
He gave out a boyish smile. Napairap tuloy ako. Mukha kasi siyang nagpapa-impress. Naghihintay na i-compliment pa lalo. Gusto pa yatang masabitan ng medalya.
Sa kalagitnaan ng pagkain at pangiti-ngiti niya, naisip kong paano na ito. Hindi nasunod ang kondisyon kong sa katapusan ng term na kami magkita. I put down my fork and slowly chew my food.
"What are we gonna do now?"
Tumingin siya sa akin. He have this questioning look.
"You're gonna see me again sa end ng term na ulit?"
"No," may diin niyang sabi. "Ihahatid na kita araw-araw sa klase mo. I'll pick you, too, after."
Sandali akong natigilan. He continued eating his food, na parang wala lang ang sinabi.
"How about your classes?"
"Wala akong maagang klase. Give me your schedule so I can check it."
"You don't have my class schedule?"
"No."
I arched my brow at him. Hindi ako naniniwalang hindi niya alam ang schedule ko.
Pareho kaming napatingin sa cellphone niyang nakalapag nang tumunog ito. Someone's calling. Lacey ang naka-register na pangalan.
He glanced at me bago iyon pinulot. He accepted the call and put his phone on his ear.
"Morning," pormal niyang bati. "Yes, Lacey?"
BINABASA MO ANG
The Opposite of Hate (Upper Crust #1)
General FictionLaviña Clarene won't run out of reasons why she hates Aristotle. She hates how her life is always entangled with him, na kapag sinabing Laviña karugtong na nito ang Aris. She grew up with him, and even shares her family, not to mention their parents...