Chapter 47

9.8K 360 66
                                    

Chapter 47
"Boyfriend"


"I will talk to your father! Anong klaseng kalokohan ito?"

I just don't know how to calm her down. Ayaw ko namang pasamain ang pakiramdam ni Lola.

"La, I asked for Papa's permission," I said softly.

"And what, pumayag siya?"

Mas lumala lang 'ata.

"Oh my goodness! I think I am going to faint."

Agad siyang nilapitan ng kanyang assistant sa kabang atakehins siya sa puso o tumaas ang blood pressure. Hinawakan nito ang kamay niya. Agad naman iyon pinalis ni Lola.

"Lola, we are already old enough for this," ani Aris.

With her eyes widening, she snapped. "What, Aris? Then the more you should know na hindi pwede 'to. You can't be together! This is ridiculous!"

Hinawakan ko si Lola. "Please, La, let's not make a big deal out of it."

Sa puntong ito, I think nothing will change her mind. Ang kahit anong sabihin namin ay hindi niya matatanggap. Nothing can appease her. Napatingin ako kay Aris. Umigting ang kanyang panga. I can see he is holding back not to disrespect Lola.

"Can you hear yourself, Laviña? It's absurd. Magkapatid kayo!"

"Lola, we don't share the same blood. Alcantara po si Aris. We were never siblings."

"I can't believe you, Laviña."

"Let's talk calmly, La," Aris tried once more.

"That's it! You are coming with me, Laviña. And you, Aris, I will be back on you," puno ng pinalidad niyang sabi.

Para huwag ng palalain ang sitwasyon sumama na ako kay Lola. I stopped Aris from going after us. It won't resolve anything kung magpupumilit kami. We can always talk this out. Nabigla lang siguro si Lola, but eventually, matatanggap niya rin.

Habang papunta na sa bahay nila Lola, kausap niya na si Papa sa telepono, pinapapunta. Sa tawag pa lang pinapagalitan niya na si Papa sa pagiging konsitidor daw umano. I was just silent, thinking deeply.

Kaya naman halos magkasunod lang kaming dumating ni Papa. Mukhang agad siyang umalis after their talk para pumunta rito. Nasa loob kami ng library. Andito rin si Lolo. He was silent while letting Lola do the talking. Kalmado lang siya at nakikinig. I can't tell his view on this.

"Magkapatid sila, Ludwig!" Hindi ko na bilang ilang beses na iyong ipinagdiinan ni Lola.

Tahimik muli ako rito, nakaupo at pinapakalma ang sarili. Si Papa at Lola ang magkausap. Papa's defending me and our relationship. I know it's a bit hard for him dahil mama niya ang kaharap.

"Ma, they're not," ani Papa, as patient as he could. Nag-iingat para h'wag masaktan ang sariling ina.

"So Aris isn't your son anymore?"

He drew a deep breath. He glanced at me. I am a bit guilty na sa kanya tuloy galit si Lola sa pagpayag sa gusto ko. I can't speak dahil pasasamain ko lang ang loob ni Lola lalo, maybe when she have calmed down. Papalipasin ko muna, maybe then I will have a chance na mapapayag din siya. Na maiintindihan niya.

"Ma, hindi gano'n. Aris will always be my son." Papa's struggling to counter Lola's logic dahil sa pag-iingat.

"But you let them! Ludwig, anak mo si Aris. Magkapatid sila. How could you tolerate this? At kailan pa? Is that why you let your daughter work in that company? Sa halip na sa atin dahil kailangan siya."

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon