Chapter 18
"Scared"I see the frustration in his eyes. Alam ko ang matinding kagustuhan niyang kausapin pa ako. But I remained cold. I do not want to talk. Malinaw naman ang gusto kong mangyari. I don't even wanna go deeper on my feelings and emotions right now.
Ang bobo lang ni Aris.
We are just both confused. Naipagkakamali ang isang temporary feeling sa malalim na pakiramdam. Feelings are like the wind—they come and go. Mawawala rin. Magbabago rin. Mag-iiba ng direction.
I don't need distractions now. Si Aris, he is definitely the biggest distraction of my life. He has always been.
I have to clear my path, una na roon ang pag-alis sa kanya.
Wala na siyang nagawa kung hindi ihatid ako pauwi sa bahay. Pinili ko na lang na h'wag sagutin ang tawag ni Papa. Hindi rin ako nag-reply. They are just worried dahil hindi pa ako nakakauwi at hindi man lang nagpaalam.
"Laviña," he called one last time. Nasa tapat na kami ng bahay.
"No, Aris," I said firmly. Pinapakita ko rin ang iritasyon sa kanya. "Ano ba ang hindi mo maintindihan?"
"You, pushing me... away."
Umiling ako, making him see how disappointed and pissed I am. "Ayoko sa'yo. How many times I have to tell you that?"
Tumitig siya sa akin.
"And about the kiss, kalimutan mo na 'yon. Wala naman palang kakaiba," I said heartlessly, then pushed the door on my side. "Walang epekto."
I left him in the car. Pumasok ako ng gate nang hindi siya nililingon. I don't think he is going inside after that. And I really hope he won't. Hindi ko alam how will I face my parents after what happened. Pakiramdam ko sinuway ko silay. Pakiramdam ko I disappointed them.
As expected nag-alala nga ang mga magulang ko. Nakauwi na si Papa at mukhang tatawag na ng tauhan kung hindi pa ako nakauwi ngayon.
"You got us worried, Laviña," ani Mama.
"I'm sorry po. Hindi na ako nakapagpaalam," sabi ko. "Hindi na po mauulit."
"Kumain ka na?" Papa asked.
"Opo," sagot ko dahil walang ganang kumain.
Pagkatapos masagot ang mga tanong nila I hurried to my room. Ni-lock ko ang pinto. Basta ko na lang nilapag ang bag ko sa sahig at padarag na humiga nga kama. Pumikit ako nang mariin.
Hinalikan ko si Aris. This time hindi ako lasing. I was on my right mind, pero parang hindi rin.
I bit my lip. I can clearly tell how it feels like while our lips were locked. Nagsinungaling ako nang sabihin kong walang epekto to 'yon sa'kin at wala akong maramdaman. I can't believe I can lie multiple times in one setting.
Umuwi na ba siya?
He should!
Hindi ko maintindihan paano nauwi sa ganito. Paanong hinayaan ko siyang halikan ako. Matindi ang pagtutol ng isip ko pero sa huli bumigay din, nagpaubaya na lang.
Pinilit kong kalimutan ang lahat ng 'yon. If I dwell more to it, iyon ang ikakasira ng bait ko.
Feeling something else—outside hatred—for him, it's terrifying. Ayoko no'n. Ayaw kong mahaluan ng kung ano ang sa aming dalawa. I am not falling for him, I want to stand by that. Siguro, this a sign to go out more, explore. Hindi iyong ganito. Wala akong panahon para pagtuonan siya ng pansin o nararamdaman ko. Mawawala rin ito kalaunan. I can't bear any consequence kung sakaling pagbigyan ko ang panlilinlang ng puso ko. I can't risk anything, not for his sake!
BINABASA MO ANG
The Opposite of Hate (Upper Crust #1)
General FictionLaviña Clarene won't run out of reasons why she hates Aristotle. She hates how her life is always entangled with him, na kapag sinabing Laviña karugtong na nito ang Aris. She grew up with him, and even shares her family, not to mention their parents...