Chapter 36

8.2K 337 137
                                    

Chapter 36
"Teaser"


"Revised reports on my desk by 5:00 PM. Meeting adjourned," ani Aris sabay tayo.

Before I can stand up at makalapit sa kanya, sinalubong na siya ni Thibet ng telepono. Napatitig na lang ako sa kanya hanggang makalabas siya. Halos sabay-sabay na napabuntonghininga ang mga naiwan.

"Nagulat ka ba Miss Laviña?" tanong sa akin ni Ayen, kabilang din sa promotions and advertising team.

Nagsilapit sa akin ang mga kasamahan ko. Nag-usap-usap naman ang ibang team para sa pinapagawa sa kanila sabay reklamo na rin na hindi nasabi kanina.

"Ayos lang 'yon, Miss, hindi naman lagi rito si Sir Aris."

"Oo nga, gawin na lang natin, Miss."

"Mag-OT na lang po tayo."

I stared at them. They consoled me. I appreciate that they thought about me.

I should not really take this personally. Siyempre, this is business. Kaya tama lang na maging istrikto. Siguro I just didn't expect this side of him. He is always gentle and considerate to me. The thought made my heart clench.

I just have to do my role here. I can learn more and that won't be a problem. Ngayon ay determinado akong gawin ang hinihingi niya at makapasa bago pa ang deadline.

"Let's have a meeting this afternoon. Please ready the previous materials, too, so I could check. I will just make some readings while I still have little remaining time," sabi ko. It's lunchtime already. I can just read while eating. Mabilis lang din naman akong kumain.

"Yes, Miss," sabay nilang tugon.

I drew a deep breath and gathered my thoughts. Last time I was only problematic on how to talk to Aris and now I have this. I am sure kailangan ko munang maibigay ang hinihingi niya bago ako mag-ungkat ng nakaraan. That's the safest move. Although, surely he separates personal matters with business. Kaya ganoon din dapat ang gawin ko.

"Hay, day! Kulang 'ata 'yan si Sir sa lambing. Tigang siguro kaya madalas aburido," ani Eggy, iyon ang nakalagay sa ID niyang suot.

"Hoy! Marinig ka riyan."

"Sir, I volunteer!" malanding tili ni Eggy. May pa ekis pa ng mga kamay sa dibdib. "Handang lumuhod, tumuwad at magpasakop for free!"

"Baliw ka talaga, bakla ka!"

Nagtawanan ang taga Sales at pati ang ibang nakarinig. Napailing na lang ako at nauna na sa kanila. Sumulyap ako sa wrist watch ko, alas onse y trenta na.

I returned to my office. Maayos at malinis naman. But I will have this fixed and rearrange a bit kapag nakapag-settle na. Aasikasuhin ko pa ang paghahanap ng lilipatan at paghahakot ng mga gamit. I hope I do all these quickly.

May dala akong lunch. I prepared this myself. May microwave sa pantry kaya dinala ko ang baon para mainit muna. Sa susunod na araw na ako maghahanda para sa mga kasamahan.

Dalawang ulam ito. I also made salted egg salad. For the drink naman ay naglagay ako sa water bottle ng dried fruits. I put ice cubes para lumamig. Maganda ang pantry nila dahil halos kompleto sa gamit at maraming laman.

Habang hinihintay na tumunog ang microwave, I sliced the apples. Nagmadali na ako. Agad akong umalis ng floor namin at sumakay ng elevator paakyat ng LA Quors. I hope he didn't leave o wala pa siyang pagkain.

I walked fast pero hindi naman patakbo na. Kabado pa ang kamay kong bitbit ang lunch para sa kanya.

"O, hi! Miss Ricaforte," ani Dyanra habang bumababa ang mga mata sa dala kong lunch bag. "Bakit?"

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon