Chapter 21

8K 302 184
                                    

Chapter 21
"Attitude"

"Aga-aga si Slater inaatubag. Tama 'yan, priority," pangbubuyo ni Juvelle. Sumilip siya sa phone ko pero natigilan nang iba naman ang tinitingnan ko.

"Who's that girl?"

Ang tinutukoy niya 'yong Agastya Acharya.

"Scientist or scholar? Pretty s'ya."

"Mukhang madungis."

Namilog naman ang mga mata niya. She even grabbed my phone at tiningnan mabuti ang profile pic, then turned it to me.

"Hindi 'ata naliligo," dagdag ko.

"Hoy! Grabe ka. Ang ganda kaya, e, ganitong mukha ang pinapadala sa international pageants. Teka, Indian 'to, 'di ba?"

I stood up at kinuha na ang cellphone ko sa kamay niya. Nilapag ko sa kama para makaligo na. I am wasting my time. Papasok pa ako.

"Itong si Laviña maganda nga sira naman mga mata," sumbong niya kay Moira na nakahiga pa sa deck sa taas. Tumawa lang ito.

After dressing up, kinakabit ko na ang bracelet ko nang mapansing may nawawalang pendant. Kailan natanggal o nalaglag? The A is missing. I immediately checked ang lalagyan ko at drawers at pati na sa sahig.

"Ano'ng hinahanap mo?" nagtatakang tanong ni Charry.

"I lost one pendant." Tiningnan ko na rin ang bag ko kahit imposibleng nandoon. Saan ko ba 'yan nawala?

Pati sila ay nakitingin na rin sa buong unit.

"Baka wala rito."

"Baka sa hallway nalaglag."

"Ano, tawagan ba natin?" nag-biro pa si Juvelle. "Baka mag-ring."

"Very funny." Binato ni Charry si Juvelle ng unan. Tinamaan siya pero tumawa lang at binato pabalik ang unan.

I give up nang hindi talaga mahanap. Sobrang liit lang no'n kaya mahirap talaga mahagilap. Kung nawala 'yon sa labas hindi ko na 'yon makikita.

I groaned in annoyance. Tinanggal ko na ang bracelet at nilagay sa lalagyan baka mamaya makulangan na naman ng pendant. Ipapatingin ko na rin at ipapaayos 'yon once I find a good shop.

Mahuhuli na ako kaya nagmadali na akong umalis ng condo at pumunta ng campus. I will be submitting my final output sa isang subject. Naayos ko na rin naman ang ilang requirements sa registrar. Maghihintay na lang talaga ng final list ng graduating students at siyempre announcement ng latin honors.

I sat down on one of the benches outside. I dialed Slater's number. Magbabakasakali lang na sa sasakyan niya lang nahulog 'yong pendant.

"Hi, are you busy?"

"Yes, but I can entertain you a bit. Why? Any problem?"

"Have you seen a pendant in your car? Maliit lang s'ya, it's letter A."

"No, wala akong napansin. I can check later tho."

"Oh, thanks."

"You want me na dumaan sa restaurant para makapagtanong din do'n in case?"

"If it's not a hassle to you, Slater."

"No worries."

"Thank you. I'll hang up now so you could return to what you're doing."

"Alright. Take care. I'll inform you once I find it."

Napabuntonghininga na lang ako. Hindi na rin ako umaasang makikita pa 'yon. Maybe I can bring the bracelet to a jeweler or something at magpagawa na lang ng kagaya no'ng nawalang pendant? May picture naman ako para maipakita at mapagaya.

The Opposite of Hate (Upper Crust #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon