Maaga akong pumasok ngayon. Fifteen pa lang ang nasa classroom at mukhang kararating lang din ni Gabriel
"Hoy, Good morning," bati ko sa kaniya
Nakayuko kasi ito sa armchair niya at mukhang inaantok pa. May dala akong paper bag ngayon kung saan nakalagay ang mga graham balls.
Binigay ko kaagad kay Gabriel yung dalawang tupperware na graham ball at nagbayad naman kaagad siya.
"Hoy, cleaners ka, maglinis kana." aniya pa bago yumuko ulit.
Agad naman akong kumuha ng walis at nag-umpisa na maglinis. Habang nagwawalis, doon ko naalala na pati pala si Lance ay binentahan ko ng isang tupperware na graham balls.
Lumabas muna ako saglit sa classroom namin at dahan-dahang sumilip sa classroom ng mga band.
Siya pa lang ang nandito sa classroom nila wala pa sila Alexander at Samuel. Nakaupo si Lance sa bandang harapan ng mga guitar.
Napaka-attractive talaga niya.
Agad akong natigilan nang bigla itong lumingon sa banda ko at nagtugma ang aming mata kaya naman nagmadali akong bumalik sa classroom namin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Grabe, ganon na ba kalakas epekto ni Lance sa akin?
Natauhan akong muli nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko.
LanceM: I saw you ibibigay mo na ba yung graham balls?
FreyaCuerva: Ah, oo sana wait, kunin ko lang tapos balik ako diyan
LanceM: Nasa labas na ako ng room natin dito ko na lang kunin.
FreyaCuerva: Ah wait lang palabas na ako hehehe
Agad kong kinuha ang isang tupperware at sumilip pa muna sa bintana ng room namin.
Nasa labas nga siya ng classroom namin. Nakasandal ito sa may pader habang naka-pamulsa at tahimik lang na naghihintay sa labas.
'Bat ang gwapo niya?
Huminga pa muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas. Nahihiya na ako, tangina.
"Uy, good morning!" masiglang bati ko pa dito.
"Morning," aniya naman.
Ang ganda talaga ng boses niya. Grabe!
"Ito pala," sabi ko sa kaniya at ini-abot ang tupperware sa kaniya.
"Magkano?"
"Wala, wag mo na bayaran." sagot ko agad sa kaniya dahil hiyang-hiya na ako.
"No," tanggi nito at ini-abot sa akin ang 1000.
"May sukli ka pa, wait lang, kuha lang ako ng panukli." sagot ko naman dito at akmang aalis na nang magsalita itong muli.
"Wag na," aniya, "Salamat!" dagdag pa nito bago tuluyang naglakad pabalik sa room nila at iniwan akong nakatayo dito habang hawak ang 1000 na binigay niya.
Pumasok na kaagad ako at naglinis ng room. Maya maya lang rin ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko.
"Sipag mo naman," pang-aasar ni Theo.
"Tse! Dun ka na nga!" umirap ako sa kanya bago ako umalis sa harap niya para bumalik na sa upuan ko.
Ilang minuto lang rin ay dumating na ang teacher namin sa science na si Ms. Saldina.
"Good afternoon, class. Today ang ididiscuss ko sa inyo ay ang seven major plates." sabi ni Ma'am.
Nakinig naman ako habang nagtuturo siya. Nalaman ko na ang seven major plates ay African, Antartica, Pacific, Eurasian, South American, North American, and last, Indo Australian.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...