"Bes! Sayaw tayo!"
Sabi bigla ni Elodie pagkarating nila sa table kasama sina Alexander. Nginisian pa ako ni Gabriel, kaya naman tinaasan ko agad siya ng kilay.
"Wow, Freya, ang ganda mo ngayon!" puri ni Alexander at nginitian ko naman siya.
"Thank you," nakangiting sabi ko.
Nagulat pa ako nang bigla akong hinila ni Elodie sa braso. Napatayo tuloy ako at napahawak sa balikat ni Lance dahil muntik na akong mahulog.
"Oh, sorry," paghingi ko agad ng tawad saka tinanggal ang kamay ko sa balikat niya. Lumingon naman agad ako kay Elodie.
"Tara na," nagmamadali sabi ko at saka nauna nang maglakad papunta sa gitna. Sumunod naman agad sila sa'kin.
"Woahhh! Let's party!" malakas na sigaw ni Elodie.
Nagsimula naman magpatugtog ng we found love ang Dj. Ang mga bisita naman ay agad rin pumunta sa harapan para sumayaw.
"It's the way I'm feeling I just can't deny... But I've gotta let it go... We found love in a hopeless place..." kanta ni Elodie habang sumasayaw.
Napatingin naman ako sa pwesto ni Lance at wala na siya sa upuan. Kaya naman nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya pero hindi ko siya makita.
"Ako ba ang hinahanap mo?" nagulat ako ng may biglang bumulong sa tenga ko mula sa likod.
"L-lance?"Lumingon naman agad ako sa kaniya. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"Are you tired, Caren?" tanong niya habang nakayakap sa'kin.
"Hindi, okay lang ako," nakangiting sambit ko.
Binitawan na niya ako at tumingin siya sa'kin. Bakit ganyan siya? Pafall talaga 'to kahit kailan!
"Let's go," sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
Magsasalita na sana siya ngunit bigla siyang tinawag.
"Lance," napalingon naman kami kay Zian.
"Why?" tanong ni Lance.
"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Zian saka napatingin sa'kin.
"Oh, you're invited pala?" sabi pa nito at hindi inalis sa'kin ang mga mata niya.
Nginitian ko naman siya at agad rin tumalikod sa kanila. Ayaw kong kausap si Zian! Papansin na naman siya!
Bumalik na lang ako sa table namin para magpahinga, sumasakit na rin kasi yung paa ko.
"Oh, bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Gabriel pagkaupo ko sa tabi ni Elodie.
"Wala," inis na sagot ko at uminom na lang ng tubig na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung kanino 'to pero bahala na!
"Are you okay, bes?" tanong bigla ni Elodie.
"I'm okay, napagod lang ako kanina." sagot ko naman.
"Anong oras kayo uuwi?" inaantok na tanong ni Cassandra.
"Are you tired, babe?" rinig kong tanong ni Gabriel kay Cassandra.
"Kayo ba? Anong oras ba kayo uuwi?" sabi naman ni Xander.
"Inaantok na ako," usal ni Liam.
"Uwi na tayo," aya ko sa kanila.
Gusto ko na rin umuwi. Ayokong makita si Lance! Magsama sila ni Zian!
Tumayo na rin kaming lahat para magpaalam na kay Lance. Hindi na rin niya kasama si Zian at mag-isa na lamang siya sa gilid malapit sa table nila Alexander.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...