Chapter 16

28 4 0
                                    

"Ms. Ganda! Kasing ganda ng umaga ko!"

Napalingon ako sa likod nang may biglang nagtatawanan. Napakaingay! Nagrereview yung tao.

Tinaasan ko lang sila ng kilay 'yung mga nakasabay kong tatlong lalaki nung first day.

Alam ko na rin ang mga pangalan nila at sa dalawang buwan namin wala silang ginawa kundi asarin ako. Mga papansin lang eh.

"Trip ka talaga nila 'no?" natatawang sabi sa akin ni Gabriel saka lumingon pa sa likod.

"Tsk. Wala kasi silang magawa sa buhay nila kaya ako pinagdidiskitahan nila!" sagot ko at tinuloy na lang ulit ang ginagawa ko.

Pasahan namin ngayon ng activity sa Genmath at hindi ko 'yon nagawa kahapon dahil nakalimutan kong gawin.

Sa dalawang buwan ko sa senior high, na-realize ko na hindi biro ang senior high. Hindi ka pwedeng papasok na hindi ka nag aadvance reading. Sunod-sunod rin ang mga quiz, activity, report. Dalawang buwan palang pero 'yung pagod ko pang 1 year na.

Parang gusto ko na lang bumalik sa junior high.

Medyo nahihirapan ako sa business math namin at hindi talaga ako makasabay sa kanila. Naiintindihan naman nilang lahat pero bakit ako hindi ko talaga magets.

Nakikinig naman ako! Pero bakit hindi ko siya magets.

Tuwing quiz namin sa business math naiiyak na lang ako dahil ang baba lagi ng score ang nakukuha ko. Nag-review naman ako pero bakit hindi pa rin sapat na makapasa ako.

Madali naman yung lesson dahil napag-aralan na rin naman 'yon sa highschool pero bakit hindi ako makasabay sa kanila.

Si Gabriel naman naiintindihan niya at mataas lagi ang nakukuha niyang score. Pero bakit ako hindi ko magawa? Bakit?!

Lahat naman ginawa ko para makapasa. Bakit ang hirap!

"Anong score mo sa quiz?" tanong ko pagkatapos ng klase namin sa business math. Nakalabas na rin ng room si Sir Vergara.

"Perfect, ikaw?" tanong niya rin habang inaayos ang gamit niya.

Buti pa siya!

"Okay lang," maikling sagot ko.

Naiiyak ako! 6 out of 30 lang ako! Anong mali?

"Anong okay lang?" nagtatakang tanong ni Gabriel.

"Wala. Huwag ka na magtanong!" sabi ko at naunang lumabas ng room. Breaktime na namin.

Habang naglalakad ako nakita ko naman na hinahabol ako ni Gabriel.

"Hoy, Freya! Sandali!" rinig kong sigaw niya. Binilisan ko naman ang lakad ko.

"Hoy, bakit ka ba nagmamadali?" tanong niya at hinawakan ang braso ko para pigilan ako.

Hindi ako sumagot at hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi mapaluha. Ginawa ko naman ang best ko para makapasa bakit kulang pa rin! Hindi naman ako pine-pressure ng mga magulang ko sa grade ko. Pero gusto ko lang naman maging masaya sila tuwing pinapakita ko ang grade ko. Masama ba 'yon?

Hindi ko lang naman ginagawa 'to para sa sarili ko kundi para rin sa kanila.

Kahit sabihin nila na napaka-oa ko dahil score lang naman 'yon pero para sa akin importante 'yon dahil hindi naman sila ang nahihirapan kundi ako.

Honor student ako pero ang bobo ko... Ang bobo ko!

Ginawa ko lahat para makapasa... Hindi ako natulog, kumain at pumasok ako ng maaga para mag-review, makapasa lang ako sa quiz!

 A HAPPY CAFE  (FRIENDSHIP SERIES #2 )Where stories live. Discover now