"Saan kayo sa Christmas break?"
Nandito kami ngayon sa gym at nakatambay lang habang nanonood sa mga estudyante na naglalaro ng volleyball. Kakatapos lang ng exam namin at wala na kaming gagawin kaya naisipan muna naming tumambay rito bago kami umuwi.
Last daw na bukas dahil magpapasa na lang kami ng mga kulang naming requirements sa mga subject namin at pagkatapos noon, Christmas break na namin.
"Baka pumunta kami sa America." sagot ni Cassandra.
"Sa bahay lang kami," sagot naman ni Liam.
"Pupunta kami sa Korea, Bes," sabi ni Elodie habang nagtatype sa cellphone niya. May ka-text ata siya.
"Babe, sama ako," pagpapacute ni Gabriel kay Cassandra.
Kadiri naman 'to! Di bagay sa kanya!
Hindi naman siya pinansin ni Cassandra. Natawa naman ako dahil sa itsura ni Gabriel ngayon.
"Tinatawa mo jan?!" pikon na tanong ni Gabriel sa akin.
"Wala, ang cute mo," natatawang sagot ko sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
Halos isang oras din ang tinagal namin sa gym bago namin naisipan na umuwi. Pagkarating ko sa bahay, umakyat agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Hindi na ako papasok bukas dahil kompleto naman ako sa mga requirements at wala na akong kulang.
Nang matapos akong magbihis, bumaba na ako at pumuntang dining area para makakain na. Nakaramdam na rin kasi ako ng pagkagutom.
"Hi, Mom, Dad!" bati ko sa kanila pagkarating ko sa dining area.
"Kain na anak," nakangiting sabi ni Mommy.
Umupo naman ako sa harapan ni Mommy at nagsandok na ng kain at kumuha ako ng ulam.
"Anak, sa Japan tayo magchi-christmas. Doon tayo sa mga Tita at Tito mo," sabi bigla ni Mommy.
"Okay po," maikling sagot ko habang kumakain.
Tahimik akong kumain at nang matapos akong kumain, nagpaalam na rin ako sa kanila na aakyat na ako ng kwarto.
"Good night, Mom, Dad!" sabi ko saka hinalikan sila sa pisngi.
Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad pabalik ng kwarto ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw, ilang tulog na lang ay pasko na. Mabuti na lang nakabili na kami ng mga regalo para sa mga relatives namin sa Japan.
Bukas ng umaga ang flight namin papuntang Japan. Kakatapos ko lang mag-empake ng mga damit. Excited na ako dahil makikita ko ang mga pinsan ko bukas.
Kinabukasan, maaga akong gumising para mag-ayos. Nagsuot lang ako ng black turtleneck, white jeans with black boots. Nagmake-up na rin ako ng konti at nagsuot ng black shades.
"Hija, don't forget to greet your Titas and Titos, ah? "
"Opo," sagot ko kay Mommy.
Natulog lang ako buong flight at gumising lang nang mag-land na ang eroplano. Kinuha na namin ang mga bagahe namin pagkababa ng eroplano.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa airport agad kaming sinalubong nila Tita at Tito kasama rin nila ang mga pinsan ko.
"Caren, I miss you!" Hiyaw ni Allia
"Grabe, ang ganda!" sabi ni Mitch.
"Inggit ka lang!" pang-aasar ni Aldrin at binatukan naman siya ni Rex.
Grabe, namiss ko ang mga pinsan ko.
"Namiss ko kayo!" nagyakapan kaming lahat.
"Tama na muna 'yan! Umuwi na muna tayo," singit ni Tita Maida sa'min.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...