"Good morning, Mom!"
Agad na bati ko pagkarating ko sa dining table namin. Si Mommy lang ang mag-isa roon habang kumakain.
"Good morning, Hija." bati ni Mommy habang nakatingin sa cellphone at nagtatype.
"Where's dad, mom?" tanong ko saka umupo sa harapan niya.
"Nasa opisina na." maikling sagot nito at tumango lang ako. Kumuha na ako ng bread at hotdog para makakain na.
"Anak, may gagawin ka ba mamaya?" tanong bigla ni Mommy habang kumakain ako.
"Wala naman po, why?" nagtatakang tanong ko naman.
"Do you want to go shopping?" tanong pa ni Mommy at agad naman akong tumango. Minsan lang mag-aya si Mommy kaya susulitin ko na. Lagi kasi silang dalawa ni Daddy busy kaya minsan nawawala na sila ng oras sa akin.
"Alright, bilisan mo na dyan para mamaya makaalis na tayo." sabi ni Mommy at hindi na ako sumagot.
Binilisan ko na ang kain ko at nang matapos akong kumain nagpaalam na agad ako saka bumalik na sa kwarto para makapag-ayos na ng sarili.
Pagkapasok ko sa kwarto dumiretso kaagad ako sa banyo saka naligo. Hindi ko na tinagalan ang pagligo ko dahil ayaw pa naman ni Mommy na maghintay ng matagal. Napili kong suotin ay white crop top, baggy jeans, at white shoes.
Habang nagbibihis ako biglang nag notification ang phone ko. Agad ko naman kinuha 'yun sa ibabaw ng kama ko saka tiningnan kung sino ang nag-text.
From: PeachyMartinez
Hi! Freya niyaya ako ni Lance mag-enchanted kingdom kasama ng kapatid nya gusto mo sumama?
Pagkatapos kong basahin 'yon nagreply na rin agad ako.
To: PeachyMartinez
Ah, Peachy! Hindi ako pwede ngayon, eh. aalis din kasi kami ni Mommy ngayon. Kayo na lang enjoy ingat kayo.
Gusto kong sumama sa kanila pero hindi rin naman ako papayagan ni Mommy.
From: PeachyMartinez
Ah ganun ba, Sige, Freya. Ingat kayo!
Hindi na ako nagreply pa sa kanya at binilisan ko na ang pag-aayos sa sarili. Nang matapos ako bumaba na rin kaagad ako saka pumunta sa sala.
"Let's go?" aya ni Mommy pagkarating ko sa sala at tumango lang ako.
Lumabas na kami at sumakay na sa kotse. Nagpahatid lang kami kay Kuya Nicolas na driver namin. Nasa passenger seat si Mommy habang ako naman ay nasa likod, tahimik lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami sa mall dito sa bgc.
Pumunta kami sa dior dahil may gusto daw bilhin si Mommy na bag. Habang may kausap na sales lady si Mommy, nagtingin-tingin muna ako ng bag dahil wala naman akong magawa.
Napukaw ang tingin ko sa isang mini bag na kulay pink. Hinawakan ko 'yon saka tinry na suotin. Ang ganda niya!
"You want that?" tukoy nito sa suot kong bag.
"Pwede ba, Mom?" nahihiya kong tanong.
"Of course. Alright, we'll take that." nakangiting bati nito saka tinawag ang sales lady. "Hey, miss!"
Masaya ko naman hinubad ang bag sa akin saka nilapag 'yon sa table. Nagbayad na rin agad si Mommy ng mga binili niya at pagkatapos noon, pumunta naman kami sa louis vuitton.
"Hi! Excuse me, how much is this?" tanong bigla ni Mommy sa sales lady habang nakaturo sa luggage.
"Good afternoon po!" bati pa nito. "P200,000 po ma'am."
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...