Chapter 15

22 4 0
                                    

"Ano bang nangyayari sa inyo? Ayos lang ba kayo?"

Tanong ni Elodie nang mapansin niyang pareho na kaming tahimik ni Gabriel. Kakabalik ko lang at hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Ang sakit... Hindi ako gusto ng crush ko.

"Oo, ayos lang ako, kaya ko pa." sagot ko agad at pinipigilan na huwag maluha.

"Anong kaya mo pa?" naguguluhan na tanong ni Xander habang may hawak na basong juice sa kamay.

"Ha? Wala naman akong sinabing ganoon?!" pagsisinungaling ko pa habang nakatitig sa kanya.

"May problema ka ba? Nakita ko kanina na magkausap kayo ni Lance. May ginawa ba siya sayo?" nag-aalalang tanong ni Liam sa'kin.

"Wala siyang ginawa sa akin," maikling sagot ko. Tumango naman siya.

Nawala na akong gana ngayong gabi. Ang sakit sakit malaman na hindi niya ako gusto. Hindi ko naman hinihiling na mahalin niya rin ako pabalik.

"Bathroom lang ako." paalam ko sa kanila at saka tumayo. Hindi kona hinintay ang sagot nila dahil naglakad na agad ako paalis.

Hindi ko na kaya... Gusto kong ibuhos ang nararamdaman ko ngayon. Pagdating ko sa C.R. pumasok agad ako sa cubicle at ni-lock 'yon. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Humagulgol ako sa iyak. Sobrang sakit! Crush lang naman 'yon bakit ang sakit? Ang sakit sakit.

Mahirap ba akong gustuhin?

"Bes," napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko 'yon.

"Are you okay? rinig kong sabi niya. "Nandito lang ako."

Binuksan ko naman agad ang pinto at napatitig ako sa kanya habang lumuluhang ako. Lumapit agad siya at niyakap ako.

"It's okay, I'm here na." pagpapakalma niya habang niyayakap ako.

"Ang sakit, bes," lumuluhang sabi ko. "Ang sakit malaman na hindi niya ako gusto."

Hindi siya sumagot at niyakap lang ako ng mahigpit.

"Mahirap ba akong mahalin?" umiiyak na tanong ko.

"No, hindi ka mahirap mahalin. Sila ang may problema hindi ikaw, okay!" bulong niya.

"Ang hirap niyang abutin sa totoo lang." sunod-sunod bumuhos ang mga luha ko nang sabihin ko 'yon.

Ilang oras rin ang tinagal namin sa c.r. bago namin maisipan na lumabas. Kumalma na rin naman ako kaya okay na rin ako. Masakit pero kailangan kong maging okay.

Kasalukuyan, nakaupo ako ngayon at kababalik lang namin ni Elodie sa table. May pinuntahan lang si Elodie na kaibigan sa kabilang table at sina Liam naman ay pumunta rin sa mga kaibigan nila kaya ako na lang ang naiwan sa table. Wala na rin si Gabriel pagkabalik namin ni Elodie. Umuwi na raw agad dahil wala daw sa mood sabi ni Liam sa akin.

Habang nililibot ko ang paningin ko hindi ko maiwasan hindi tumingin kay Lance. Nandoon siya sa gilid ng stage habang kasama sina Alexander.

Naiiyak pa rin ako kapag naalala ko yung kanina.

Ang sakit pa rin.

Nagulat ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin, napaiwas naman agad ako ng tingin sa kanya. Baka isipin niya tinitignan ko siya kahit totoo naman.

"Hi, Freya!" may biglang umupo sa tabi ko.

"Hello, Theo." pilit na ngiti na bati ko.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Mukha ba akong hindi okay sa itsura ko? Lahat na lang sila nagtatanong kung ayos lang ba ako.

"Oo naman." maikling sagot ko at tumango naman siya.

 A HAPPY CAFE  (FRIENDSHIP SERIES #2 )Where stories live. Discover now