"Congrats sa 'tin! Ga-graduate na tayo!"
Tuwang-tuwa na sabi ko sa kanila. Nandito kami sa canteen dahil breaktime namin ngayon. Dalawang linggo na lang graduate na rin kami.
Proud na proud ako sa sarili ko. Na kaya ko lahat!
Alam kong hindi pa rito natatapos ang paghihirap ko, pero masaya pa rin ako dahil ga-graduate na ako sa junior high.
Matapos ng graduation pictorial at rehearsal namin ay puro pagpapractice na lang ng cotillion ang ginagawa ko. Huling araw na ng practice namin ngayon kaya kailangan na namin ma-perfect ang sayaw. Kabado ako para bukas dahil graduation na namin bukas at pagkatapos noon ay js prom namin.
"Grabe, ang gagaling n'yo! Sa halos tatlong linggo nating pagpapractice hindi nyo talaga ako binigo. Maraming salamat sa mga efforts na binigay n'yo para maging maayos lang ang ating practice. Good luck sa inyo bukas!" masayang sabi nito sa'min. Pumalakpak naman kaming lahat.
Nagbigay lang siya ng mga reminders sa'min para bukas at pagkatapos noon pwede na rin kaming umuwi.
"Uuwi kana?" tanong bigla ni Lance habang nag-aayos ako ng gamit.
"Yup, ikaw?" tanong ko naman saka sinuot ang bag ko sa likod.
"Hatid na kita?" Presenta pa niya at napatitig naman agad ako sa kaniya.
"Sigurado kaba?" gulat na tanong ko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" natatawang usal niya at pilit naman akong natawa.
"Sabi ko nga!" medyo awkward na tawa ko.
Umalis na kami sa gym at kasalukuyan nandito na kami sa parking lot. Pumasok naman agad ako sa passenger seat.
Kinakabahan ako para bukas dahil naisipan ko nang mag confess sa nararamdaman ko para sa kanya. Sana hindi siya magbago kapag umamin na ako sa kaniya.
Sana successful bukas.
Ilang minuto lang din ang naging byahe namin bago kami nakarating sa bahay.
"Thank you sa paghatid, ingat ka." sabi ko agad at saka bumaba na ng kotse. Tumango lang siya at hinintay ko muna siyang umalis bago ako pumasok sa loob namin.
"Mom, Dad, nakauwi na po ako!" sigaw ko pagkapasok ko sa loob.
"Magbihis kana, hija," sabi ni Mommy, nakaupo ito sa sala habang nanonood ng t.v. katabi si Dad. Tumango lang ako at naglakad na paakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko ng kwarto, nagpalit na agad ako ng gamit. Nang matapos ako bumaba na rin kaagad ako para mag-dinner.
Dumiretso na ako sa dining area dahil wala na sila Mommy sa sala. Umupo ako sa harap ni Mommy at nagsandok na ng kanin at ulam.
"Anong oras pala ang graduation n'yo, anak?" tanong bigla ni Mommy.
"6AM daw po," sagot ko habang kumakain.
"Ganoon ba? Kailangan pala maaga tayo gumising bukas. 4am palang kailangan gising na tayo," paliwanag pa ni Mommy habang nakatingin sa 'kin.
Hindi naman ako sumagot at inubos na lang ang pagkain ko. Nang matapos akong kumain nagpaalam na rin kagaad ako.
"Mom, Dad, magpapahinga na po ako. Goodnight!" paalam ko saka hinalikan sila sa pisngi.
Umakyat na ako sa kwarto at pagkapasok ko humiga agad ako sa kama para matulog na.
Kinabukasan, alas kwarto pa lang ng umaga gumising na ako para mag-ayos ng sarili. Nag-light make up lang ako at kinulot ko ang buhok ko sa ibaba.
"Anak, let's go! Malalate na tayo!" sigaw ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romantik( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...