"Nagawa mo na yung science?"
Pagkapasok na pagkapasok ko sa room, ayon kaagad ang tanong ni Gabriel nang umupo ako sa tabi niya. Hindi ko pa nagagawa yung drawing sa science dahil nakatulog agad ako kagabi pagkauwi ko. Hindi ko siya sinagot at kinuha na lang sa bag yung science notebook ko para makagawa na ako.
"Anong ginawa mo kagabi? Ngayon ka lang gumagawa?" tanong niya pa.
"Huwag ka ngang maingay! Nakikita mong gumagawa yung tao, e!" inis na saway ko sa kanya. Ang ingay ingay! Hindi ako maka focus sa dinodrawing ko.
Tumahimik naman siya agad at binilisan ko na ang pagdadrawing dahil malapit nang dumating ang teacher namin.
"Hoy, Gabriel! Okay lang ba?" tanong ko sabay pakita ng drawing ko.
Bigla naman siyang tumawa kaya natawa rin ako. Nakakatawa kasi yung drawing ko, hindi ko alam kung drawing pa ba 'to! Wala kasi ako sa mood mag drawing ngayon.
"Panget," natatawang sagot naman niya at sinamaan ko naman kaagad siya ng tingin.
Kung makalait siya sa drawing ko! Eh, yung drawing niya nga parang drawing ng kabayo. Hindi ko naman siya nilait!
"Okay lang, at least may gawa," sabi ko sa kanya sabay dila.
"Nanjan na si Ma'am!" rinig kong sigaw ni Alexander. Nasa pinto kasi siya at inaabangan si Ma'am. Bumalik naman kaagad siya sa upuan niya nang pumasok na si Ma'am Saldina sa room.
Tumahimik naman ang mga kaklase ko at inayos ko rin ang upo ko.
"Good afternoon, class!" bati ni Ma'am.
"Good afternoon po, Ma'am," bati naman namin.
Naglesson lang siya at nag check lang kami ng pinagawa niyang drawing sa amin. Nagpalitan kami ng notebook ni Gabriel dahil siya ang magpupuntos ng drawing ko.
"Mabait naman akong tao kaya 9/10 na ibibigay ko sayo kahit ang panget ng drawing mo," sabi pa niya habang pinipirmahan yung drawing ko.
Makalait talaga 'to, wagas!
Sa sumunod na subject wala kaming ginawa dahil absent raw si Ma'am Ramos. Kaya naman tumambay muna kami ni Gabriel sa canteen. Malapit na rin kasi ang break time namin.
"Uy, diba! Si Lance 'yon?" sabi bigla ni Gabriel at itinuro ang bandang harapan namin.
Lumingon naman ako sa tinuturo ni Gabriel at namataan ko si Lance na may kasamang babae. Si Cassandra ang kasama niya! Pati rin ba siya kaagaw ko kay Lance?
"May kasama, baka kaya hindi ka gusto kasi taken na?" sabi pa ni Gabriel.
Sa bagay, ang ganda nga nung kasama niya parang anghel. Mas mukhang ayos yon kesa kay Zian.
"Olats, mukhang anghel pala gusto ng crush mo." iiling-iling pa na sabi ni Gabriel at tinapik ko na lang siya para patahimikin ito.
"Ayos lang 'yan, hindi pa naman asawa." sabi ko sa kanya at natawa naman siya.
"Ang ganda talaga niya," Rinig kong bulong ni Gabriel.
Kaya pala hindi niya ako kayang gustuhin dahil may gusto siyang iba!
Hindi naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur.
Buong araw, wala ako sa mood dahil sa nakita ko. Natapos na lang ang last subject ay wala pa rin ako sa mood. Parang pagod na pagod ako buong araw. Sabagay, nakakapagod naman talaga pag hindi ka gusto ng crush mo!
"Hoy, babae! Sumagot ka nga! Bakit ganiyan mukha mo?" Napalingon ako agad kay Gabriel na katabi ko ngayon.
Gago, happy crush lang dapat 'to pero bakit medyo masakit?
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...