Nakikita ko pa lang subjects ko ngayong 2nd semester parang gusto ko na agad matapos ang finals.
May Practice Research 1 na kami at ang dami na rin naming mga specialized subject.
Panira 'to ng buhay eh!
Sino ba kasi nag-pauso ng research? Ang daming alam. Kami naghihirap! Naiiyak na lang ako habang tinitignan ko ang mga subject ko. Hindi pa nga ako nakaka-move noong first semester sa mga score ko.
"Anong group mo sa Pr1?" tanong ko kay Gabriel nang matapos ang klase namin.
"Group 3." maikling sagot niya.
"Buti ka pa! Ako group 1 tapos ako pa ginawang leader. Gusto ko nga maging pabigat para maranasan ko naman hindi yung ako lagi nakukuhang leader." reklamo ko sa kanya.
"Okay lang yan, pareho lang tayo!" natatawang tugon ni Gabriel at natawa naman ako.
Siya kasi ang napiling leader sa kanila dahil matalino daw si Gabriel at matino. Tsk! Matino ba yan?!
Statistics and probability ang susunod na subject namin at balita ko mahirap raw ang subject na 'yon. Malalaman natin mamaya kung totoo bang mahirap ang statistics.
"Good morning, class. My name is Renalyn Santos, I will be your statistics teacher."
Nag-discuss agad si Ma'am ng introduction ng statistics and probability. Nakinig naman ako kahit medyo inaantok ako.
Nakakaboring talaga ang math.
Habang nagdidiscuss si Ma'am tumingin ako sa katabi ko dahil nakita ko siyang may nginunguya sa kanyang bibig.
"Gabriel, penge ako." mahinang sabi ko sa kaniya.
"Wala na." sagot agad niya.
"Damot mo talaga!" pagbibiro ko at dinilaan siya bago tumingin na lang ulit kay Ma'am.
Napakaboring! Gusto ko na umuwi!
Nang matapos ang huling klase namin. Tumayo na agad ako at sinabit na ang bag ko sa likod. Uwing-uwi na ako!
"Gabriel, una na ako." paalam ko sa kanya.
"Sige, ingat." sabi niya at tumango lang ako.
Lumabas na agad ako sa room at habang naglalakad ako sa hallway napatingin ako sa room nila Lance. Magkatabi kasi ang building ng abm at stem kaya lagi ko nakikita si Lance.
Paano ako makaka-move kung lagi kami nagkikita ng landas. Tadhana rin talaga!
Baka kami talaga ang para sa isa't isa.
Nang makauwi ako sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko para magpahinga.
Wala naman kaming ginawa pero bakit napapagod ako?
"Sino mga scope natin?" tanong ni Garcia.
Nakabilog kami ng mga kagrupo ko ngayon para pag-usapan ang mga ilalagay namin sa Scope and Delimitation. Binigyan kami ng time ng teacher para mag-usap usap ang kada grupo.
Chapter 1 pa lang kami pero napapaiyak na ako. Hindi ako naiiyak sa research namin kundi sa mga pabigat kong mga kagrupo.
Bakit kasi may mga pabigat sa mundo! Pwede bang mawala na lang sila para hindi kami nahihirapang mga leader.
"Working students." maikling sagot ko.
"Abm ba ang iinterview natin?" tanong ni Sanchez.
"Sabi naman ni Ma'am huwag daw tayo maging bias kaya interviewhin natin lahat ng strand. Pero one participant per strand," sagot ko naman.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...