Chapter 22

51 3 0
                                    

Maaga ako gumising ngayon para pumasok. Unang araw ko ngayon sa grade 12. Hindi naman halata na excited ako ngayon, hindi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil kinakabahan ako. Sana naman mababait lahat ng magiging teacher ko.

Habang naglalakad ako sa hallway pinagmamasdan ko lang ang mga estudyante na nakakasalubong ko.

Hindi ako excited makita ang mga kaklase ko dahil sila pa rin naman ang magiging kaklase ko. Hindi ko maintindihan bakit kaya yung naging kaklase mo nung grade 11 kaklase mo pa rin sila sa grade 12.

Sana naman sa magiging kagrupo ko sa research hindi pabigat. Sawa na ako sa pabigat na kagrupo!

"Freya!" napalingon agad ako sa likod ko nang may biglang tumawag sa akin.

"Ikaw pala, Theo! Kamusta?" nakangiting tanong ko.

"Ayos lang. Namiss kita," nakangiting sabi niya. Nginitian ko naman agad siya. "Pupunta kana sa room mo?"

"Oo, ikaw ba?" tanong ko pabalik.

"Oo, sana." natatawang sabi niya.

"Ganoon ba! Sige na, mauuna na ako baka malate pa ako." paalam ko sa kanya.

"Alright, good luck sa first day mo." sabi pa niya at tumango lang ako saka naglakad na rin agad paalis.

Pumunta na ako sa room namin, hindi naman ako nahirapan dahil nasa unahan lang naman ng abm building ang section 1.

Nang makarating ako roon konti palang ang nasa loob kaya naghanap na agad ako ng magiging upuan ko. Naisipan kong umupo sa pang-anim na row. Ayoko sa unahan umupo dahil baka matawag ako at lalong-lalo ayoko umupo malapit sa bintana dahil aantukin lang ako.

Nakita ko naman agad si Gabriel na natutulog sa likod malapit sa bintana. Wala pa rin siyang pinagbago, natutulog pa rin sa klase. Hay naku, kailan ba siya magbabago.

"Kamusta bakasyon mo, Freya?" nakangiting tanong sa akin ni Garcia.

"Okay lang naman." maikling sagot ko at tumango lang siya saka nginitian ako.

Hindi nagtagal dumating na rin ang magiging teacher namin. Nagsitahimik na rin ang mga kaklase ko.

"Good afternoon, class!" bati ni Ma'am at bumati naman agad kaming lahat. "By the way, my name is Shana Dela Vega at ako ang magiging adviser n'yo sa business finance."

Habang sinusulat ni Ma'am Shana ang name niya sa whiteboard may biglang kumatok. Agad naman lumapit si Ma'am doon at binuksan 'yon.

"Yes?" tanong ni Ma'am sa isang babae.

"Excuse me po, Ma'am. I'm sorry, i'm late!" nahihiyang sabi nito.

"Ako po yung transfer student." dagdag pa nito saka may inabot na registration paper kay Ma'am.

May sinabi pa si Ma'am pero hindi kona pinansin. Pumasok naman yung babae sa loob ng room at nag-pakilala siya.

"Hi! My name is Peachy Lynn Martinez you can call me Peachy. I'm from Woodridge International School." nakangiting pagpapakilala nito. In fairness, maganda siya.

"My transfer?"

"May bago pala tayo?"

"Ang ganda mo!"

"May chicks pre!"

"Pwede ba akong manligaw, Miss?"

Sabi ng mga kaklase kong lalaki. Hay naku, malalandi talaga.

"Class! Quiet please..." sigaw bigla ni Ma'am.

"Miss Peachy you can choose any seat that you want." sabi ni Ma'am sa babae.

 A HAPPY CAFE  (FRIENDSHIP SERIES #2 )Where stories live. Discover now