"Ano sabi sayo ni Lance?"
Iyon kaagad ang bumungad sa akin, pagkaupo ko sa tabi ni Elodie. Kompleto kami ngayon at may mga pagkain sa ibabaw ng table namin. Medyo maraming tao ngayon sa canteen dahil break time ng mga estudyante.
"Ininvite lang n'ya ako sa birthday niya," sagot ko kay Cassandra sabay kuha ng pizza.
"Omg! Totoo ba?" gulat na sabi ni Elodie. Nakangiting tumango naman ako.
"Kilig ka naman?" pang-aasar pa ni Gabriel.
"Medyo," natatawang sagot ko.
Ikaw ba naman hindi kiligin! Ininvite ka ng crush mo sa birthday niya. Ang swerte ko naman!
"Kailan kayo bibili ng regalo?" tanong ni Liam.
"Kayo ba? Kailan n'yo gusto?!" sabi ni Cassandra.
"Kahit kailan," pagbibiro ni Gabriel, sinamaan naman agad siya ng tingin ni Cassandra.
Buti nga sa kaniya!
"Sa Friday na lang wala naman tayong pasok, eh," sagot ni Elodie at sumang-ayon naman kami.
Pagkatapos ng breaktime namin, pumasok na rin kami sa sumunod na mga subject namin.
Pagkaupo namin ni Gabriel sa upuan, dumating na rin kaagad ang teacher namin kaya nagsitahimik na ang mga kaklase ko.
Naglesson lang si Ma'am at nagbigay ng activity. Ganoon lang din ang ginawa namin sa huling klase naglesson lang at gumawa lang kami ng activity. Puro sila bigay ng activity ngayon! Hindi ba sila nagsasawa?
Mabilis lumipas ang mga araw at Friday na agad. Maaga ako nagising ngayon at kakatapos ko lang mag-jogging. Nandito ako ngayon sa dining area para mag-almusal.
"Good morning, anak!" Bungad na bati ni Mom.
"Good morning, Mom!" nakangiting bati ko sabay halik sa pisngi nya.
"Ang aga mo ata gumising anak?"
"Nag-jogging po kasi ako, Mom," sagot ko habang kumakain.
Hindi naman siya sumagot kaya naman nagpaalam na ako para bukas. Kinakabahan tuloy ako kung papayagan ako. Sana payagan ako!
Manifest! Sana payagan!
"Mom! Magpapaalam po sana ako, birthday po kasi ng kaibigan ko tomorrow. Pwede po ba ako pumunta?" Kinakabahan na paalam ko.
"Sure, anak!" sagot nito at nagulat naman ako. Totoo ba? Papayagan ako?!
"Talaga po mom?" gulat na tanong ko.
"Yes! May susuotin kana ba?" tanong nya habang kumukuha ng bacon.
"Wala pa, mom! Pero bibili po ako sa mall mamaya." sagot ko.
"Okay, anak, Pahatid ka sa driver mo ah?"
"Opo, mom!" nakangiting sagot ko.
Pagkatapos kong kumain, umakyat na agad ako sa kwarto ko para mag-ayos.
"Ano kaya mas maganda dito?" tanong ko sa sarili ko habang namimili ng susuotin ko.
"Ay! Ito na lang." Nakangiting sabi ko. Kinuha ko ang isang black leather skirt at white crop top. Pagkatapos kong kunin nilagay ko muna ito sa kama, Then pumasok na ako sa bathroom para maligo.
Nang matapos akong maligo, nagbihis na rin kaagad ako. Habang nagbibibis ako bigla naman nag-vibrate ang phone ko. Kaya agad ko itong kinuha at binasa.
From: Elodie
Dito na kami sa mall
Nang mabasa ko 'yon, nagulat naman ako. Ang aga naman nila!
To: Elodie
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...