Nasa bahay lang ako buong undas break. Wala akong ginawa kundi tumambay lang sa kwarto ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan yung araw na kasama ko si Lance. Hindi na kami bumalik sa party dahil nagpahatid na rin agad ako sa bahay para makapagpahinga na ako.
Wala na rin naman kasi akong balak bumalik ulit sa party. Nawalan na rin ako ng gana.
Nakaupo ako ngayon sa kama ko at nag-iiscroll lang sa Facebook nang may biglang nag-text sa'kin. Agad ko naman 'yon binasa.
From: Elodie
Bes, are you busy?
Nang mabasa ko 'yon, agad naman akong nag-type.
To: Elodie
Hindi naman bakit?
From: Elodie
Papasama sana ako sa mall :)
To: Elodie
Go ako jan. Mag-aayos na ako sa mall na lang tayo magkita
From: Elodie
Alright, see you later
Hindi na ako nagreply at agad na akong naligo para makapag-ayos na ako. Nang matapos akong maligo, nagsuot lang ako ng denim pants, white top, at white shoes. Pagkatapos kong mag-ayos nagpahatid na rin ako sa driver ko papuntang mall.
Pagdating ko sa mall nakita ko agad si Elodie sa entrance ng mall. Lumapit naman agad ako sa kaniya.
"Hello Bes, kanina ka pa?" bungad na tanong ko sa kanya.
"Hindi naman, let's go?" aya niya at tumango lang ako.
Pumasok na kami sa loob ng mall at medyo konti lang ang tao ngayon. Pumasok kami sa dior dahil gusto niyang bumili ng shoulder bag. Nakita niya kasi sa Instagram na may bagong release na bag ang dior kaya bibilhin daw niya.
"Hello, excuse me, how much is this?" tanong ni Elodie sa sales lady.
"₱980, 350. 25 po." nakangiting sagot nito.
"Alright, I will buy it." sagot agad ni Elodie at gulat na gulat ko naman siyang tinignan.
"Sigurado ka ba bibilin mo 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes," nakangiting sagot niya.
"Bes, ang mahal kaya niyan." Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa sagot niya.
Grabe, ang gastos talaga ng kaibigan ko!
"It's okay, bes, si Dad naman ang bahala dito." sabi niya at napailing na lang ako.
"Tsk, bahala ka! Basta sinabihan na kita! Mapapagalitan ka talaga ni Tita jan sa binili mo," sabi ko saka napanguso na lang ako.
"Bes, ililibre na lang kita, para di kana magtampo sa akin." pang-uuto pa niya sa akin.
"Oo na," pagsuko ko at niyakap naman niya agad ako.
"Yes! I love you, bes." sabi pa niya at natawa naman ako.
Pagkatapos namin magbayad ng bag niya, lumabas na rin agad kami sa dior.
"Bes, diba nasira 'yung phone mo?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Oo nga pala! Buti pinaalala mo," sabi ko. Ngayon ko lang naalala na nasira pala ang phone ko dahil kay Zian. Papansin kasi masyado eh! Kulang sa pansin!
"Tara? Bili tayo ng bago mong phone. Libre ko!" nakangiting sabi niya at tumango naman ako.
Hindi ako tatanggi sa gracia! Buti na lang may Best friend akong galante.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Romance( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...