Chapter 13

26 4 0
                                    

The month of January was peaceful. I woke up early today to go to school, It was Valentine's Day. But for me, it was just an ordinary day.

Sumabay pa ang mga teacher namin ngayon at binigyan kami ng quiz. Wala na nga kaming ka-date, tapos binigyan pa kami ng quiz.

Hindi daw porket Valentine's Day hindi na raw kami mag ququiz.

Wala talaga silang awa sa'min lalo na si Sir Cruz. May long quiz kami sa kaniya ngayon.

"Pass your test paper, now! Finish or not!" sigaw ni Sir Cruz. Nag-ungulan naman agad ang mga kaklase ko.

Naiiyak kong iniabot ang test paper ko kay Sir. Hindi ko nasagutan 'yung iba dahil hindi ko talaga alam 'yung sagot. Bahala na! Ang mahalaga nasagutan ko yung iba.

Pagkatapos ng klase namin, lunch break na kaya tumayo na ako para puntahan sina Elodie sa canteen. Nandoon raw sila, ayokong masira ang araw ko dahil lang sa mga teacher ko.

"Tara, puntahan natin sila?" aya ko kay Gabriel.

"Mauna kana, pupuntahan ko lang si Cassandra sa classroom nila." sabi ni Gabriel.

"Okay, sana-all na lang," sambit ko at natawa naman siya bago lumabas ng room.

Lumabas na rin ako ng room at pagkalabas ko napatingin naman ako sa mga tumitiling babae sa may pintuan ng room namin.

Kaya naman pala sila tumitili dahil nandoon sina Alexander sa labas ng room. Napatingin ako kay Lance na may hawak na mga chocolate at letters.

Nagulat ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin sa'kin, umiwas agad ako ng tingin at dali dali naman akong tumalikod saka naglakad na paalis para puntahan na sina Elodie.

Ang dami ko talagang kaagaw sa kaniya.

"Happy Valentine's!" Iyon agad ang bumungad sa akin pagkalapit ko kina Elodie.

"Happy Valentine's day din," walang gana na bati ko.

"Oh, ba't ganyan mukha mo?" tanong ni Liam at binigyan ako ng roses. Tinanggap ko naman 'yon.

"Thank you," nakangiting usal ko.

"Naks, may pabulaklak ang kaibigan ko," napalingon ako sa nagsalita at si Gabriel 'yon.

Nandito na pala siya? Napatingin ako kay Cassandra at may hawak siyang bouquet na sunflower. Ang ganda niya ngayon!

"Ganda mo ngayon, Cassandra." nakangiting sabi ko kay Cassandra.

"Araw-araw naman," biglang singit ni Gabriel.

"Thank you, ikaw rin." nahihiyang sambit ni Cassandra.

"Hindi ikaw kausap ko," pambabara ko kay Gabriel.

Tumambay lang kami sa canteen dahil wala kaming klase sa susunod na subject. Kumain kami at nagkwentuhan, binigyan ako ng chocolate ni Elodie at Cassandra, habang si Xander naman ay bulaklak.

"Binigyan mo na si Lance?" tanong ni Elodie sa akin.

Namula naman agad ako at hindi ko pa nabibigay ang gift ko kay Lance. Nahihiya ako! Ang daming babaeng nagbibigay sa kaniya. Hindi na niya kailangan 'yung gift ko.

"Hindi pa." maikling sagot ko at kinain 'yung chocolate na kitkat.

Tiba-tiba ako ngayon sa chocolate. Kahit wala akong ka-date nanjan naman mga kaibigan ko para bigyan ako ng regalo.

"Bakit hindi pa?" sabay na tanong ni Elodie at Cassandra.

"Nahihiya ako, eh," sagot ko naman.

"Gusto mo samahan ka namin?" Nakangising tanong ni Elodie. Umiling naman agad ako. Ayoko magpasama sa kanila, aasarin lang nila ako. Tumayo ako at napatingin naman sila sa'kin.

 A HAPPY CAFE  (FRIENDSHIP SERIES #2 )Where stories live. Discover now