Chapter 10

32 7 0
                                    

"Take this." sabi niya saka iniabot sa akin ang isang itim na bimpo.

Kinuha ko naman agad 'yon at pinunasan na ang mukha ko.

"Thank you," usal ko habang pinupunasan ang mukha ko.

"Are you okay?" tanong pa niya, tumango lang ako saka naglakad na pabalik sa gym.

"Freya, sorry talaga! 'yung bola kasi eh, kung saan saan pumupunta. Natamaan ka tuloy," sinisi pa talaga niya 'yung bola at natawa na lang ako sa kaniya.

"Ano ka ba, okay lang! Hindi mo naman sinasadya, eh," sagot ko naman at nginitian siya.

"Okay ka lang ba?" biglang lumapit sa'kin si Gabriel at hinawakan pa ang mukha ko. "Masakit?"

Malamang masakit talaga!

"Oo, okay lang ako," sagot ko saka inalis ang kamay niya sa mukha ko.

Nang matapos ang klase namin, kinuha ko na ang bag ko sa bleachers at naglakad na kami ni Gabriel palabas ng gym.

Pupuntahan namin sina Cassandra dahil natapos na rin ang klase nila at pwede na kaming umuwi.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Cassandra habang naglalakad kami palabas ng school.

"Kayo ba? Saan n'yo gusto?" sabi ni Liam.

"Kahit saan, basta masarap," walang kwentang sagot ni Gabriel.

"Sa Happy Cafe na lang tayo kumain." suggest ko at sumang-ayon naman sila.

Kaya naman binilisan na namin ang mga lakad namin at pumunta na kami agad sa Happy Cafe. Malapit lang naman 'yung cafe sa school namin kaya ilang minuto lang din ay nakarating na kami doon. Umupo kami malapit sa bintana at ang mga boys naman ang umorder ng pagkain namin.

"Balita ko natamaan ka daw ng bola kanina." sabi ni Elodie.

"Oo, pero ayos lang naman ako." sagot ko saka tumingin kila Gabriel na umooder sa counter.

"Sino nakatama sayo?" tanong naman ni Cassandra, napatingin naman ako sa kaniya.

"Si Alexander," maikling sagot ko.

"Lagot sa'kin 'yun, devil talaga siya," medyo inis na sabi ni Elodie.

"Bes, hindi naman niya sinasadya, eh," sagot ko naman agad pero umiling lang siya.

Dumating na rin sila Gabriel habang may hawak na mga tray. Umupo naman sa tabi ko si Liam, habang si Gabriel umupo sa tabi ni Cassandra. Tumabi rin si Xander kay Elodie.

"Si Lance ba 'yon?" napatingin agad ako sa tinuro ni Cassandra.

Si Lance nga 'yon, kasama niya sina Alexander. Nasa tapat sila ng Cafe at nagulat ako nang bigla silang pumasok sa loob.

"Yow, Ms. Sungit!" tawag ni Alexander kay Elodie nang makita niya ito. Napatingin naman sa'kin si Lance kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Kaya pala humangin dahil may dumating na demonyo," pagpaparinig ni Elodie at natawa naman kami.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" sagot ni Alexander saka lumapit sa'min.

"Tsk, ano bang ginagawa mo rito?" mataray na tanong ni Elodie.

"Kakain malamang," pambabara naman ni Alexander.

"Tseh! Umalis kana nga sa harapan ko!" pagtataboy ni Elodie kay Alexander.

Hindi ko na lang sila pinansin pa at napatingin naman ako kay Lance. Naalala ko hindi ko pa pala naibabalik 'yung jacket niya. Bukas ko na lang ibabalik pagkapasok ko. Natauhan naman ako nang bigla siyang napatingin sa akin.

 A HAPPY CAFE  (FRIENDSHIP SERIES #2 )Where stories live. Discover now