9AM pa lang ng umaga ay gumising na ako para pumasok sa school. May kalahating oras pa ako para makapag pasa ng project ko.
Sa office ni Sir Cruz kaagad ako dumiretso. Konti pa lang ang mga estudyante ngayon at tahimik pa ang buong campus.
Pagkapasok ko sa office ni Sir ay agad ko din nakita ang future hubby ko na kausap ngayon si Sir Cruz. Binati ko pa muna ang mga ibang teachers dito bago tuluyang lumapit sa desk ni Sir.
"Good morning po, Sir." nakangiting bati ko at pareho namang napalingon si Sir at Lance sa akin.
Katabi kong nakatayo si Lance ngayon at nasa tapat kami ng desk ni Sir Cruz. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ngayon.
Kalma, nasa harapan si Sir.
"Oh, Cuerva!" ani pa ni Sir. "Anong kailangan mo?"
"Sir, ipapasa ko lang po sana itong project ko." magalang na sabi ko at iniabot ito sa kaniya.
"Buti naman natapos mo." aniya naman at kinuha na ito mula sa akin, "Sa susunod kasi, huwag na huwag ka nang makikipag-away." dagdag pa niya at tumango naman ako.
Nakakahiya, nandito pa naman si Lance.
"Ah, Sir! 'yon lang po ba ang gagawin ko?" biglang tanong ni Lance.
"At nga pala, isabay mo na din ang section ninyo." sabi ni Sir. "Hindi pala ako makakapasok sa time ninyo dahil may meeting mamaya kaya pakisabay na din ipa-print ang sainyo." dagdag pa nito.
"Sige po," sagot ni Lance.
"Punta muna kayo sa may nagpapaprint bago kayo pumasok sa classroom ninyo." sabi ni Sir at tumango naman kaming dalawa. Kaya naman agad kaming nagpaalam dito at sabay na lumabas sa office.
OMG, ngayon lang mangyayari 'to sa buong buhay ko.
Ang saya saya ko. Hulog ka ng langit, Sir!
"Ilan ba tayo sa room?"
Nandito na kami ngayon sa may printan. Dito lang din sa loob ng school namin.
"42." sagot ko at agad naman siyang tumango bago kinausap yung nagpiprint dito.
Aray, ayaw niya ako kausap. Okay lang hindi naman masakit.
Nilabas ko na lang ang phone ko para maglaro ng kung ano ano.
Marami na rin ang mga estudyante ngayon at dumadaan din ito sa harapan namin.
Nakita ko pang napapalingon ang iba sa banda namin at syempre sino pa ba edi si Lance ang tinitignan nila. Napakagwapo naman kasi eh.
Palihim kong tinapat ang camera ng cellphone ko sa kanya at dalawang beses ko pa lang ito napindot pero napalingon ito agad sa akin dahil tinawag na kami nung nagpapaprint. Agad kong nilagay ang phone ko sa bulsa ko, hindi naman siguro niya ako nahuli?
Tumayo naman kaagad ako at sumunod sa kanya para tulungan siya sa pagbubuhat.
"Tulungan na kita." sabi ko dahil buhat niya lahat.
"Wag na, mabigat ito! ako na ang magbubuhat nito." seryosong sabi niya at nauna na itong naglakad palayo.
Hinabol ko naman kaagad siya. Napakabait niya talaga.
Pagkarating namin sa grade 10 building ay napakarami na ang mga estudyante na nakakalat. Nangunguna pa din sa paglalakad si Lance at nakasunod lang ako sa kanya. Dire-diretso lang itong pumasok sa classroom namin.
Nakita ko pa si Gabriel na gulat na gulat nang makita niyang pumasok sa classroom si Lance at kasabay pa ako.
Agad naman niyang nilapag ang mga test paper sa table.
YOU ARE READING
A HAPPY CAFE (FRIENDSHIP SERIES #2 )
Roman d'amour( FRIENDSHIP SERIES #2 ) Freya Caren Cuerva, from the University of Santo Tomas Manila, just graduated. After graduation her parents told her that she will marry Lance Reigh Montero, a medical student from UST. But his future husband doesn't want he...